Krezia's Pov Nagising ako sa umaga ng bigla akong hinilo, umiikot ang paligid animoy gusto kong magsuka. Iba ang pakiramdam ko ngayon, napahawak ako sa noo wala naman kahit anong init. ibig sabihin wala akong lagnat, pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko. Napahawak ako sa aking bibig, ng biglang bumaliktad ang aking sikmura. Agad akong napahawak sa sink upang magduwal. sobrang nanghihina ako sa mga oras na ito. Alam kong isang simtomas ng pagbubuntis ang pagsusuka, posible kayang nagbunga ang pagsasama namin ni keanne? tanong ko sa isip. Hindi ko mapigilang hindi umiyak sapagkat inaalala ko ngayon, kung sakali ngang buntis ako paano na ako? paano ko ito bubuhayin ng mag isa. Hindi pa ako handa sa ganito.Pero anong magagawa ko kung sakaling totoo nga. Kailangan ko munang mag kons

