Kinabukasan nagising ang dalaga mula sa sinag ng araw. Napahawak siya sa kanyang noo ng maalala ang lahat ng nangyari kagabi. Pagkatapos nilang magkasagutan ni angelica kagabi, umalis na ito habang umiiyak. Naawa siya rito kahit papaano babae rin ito at nagmahal lang. Hinatid sila ni keanne kagabi pauwi sa Mansyon.Natutuwa siya ng maalala ang naging reaksiyon ng kambal kagabi habang magkahawak sila ng kamay pabalik sa loob ng party. Nakakunot ang mga noo ng dalawang bata habang pinagmamasdan sila. "Mom, do you know this handsome guy? turo nito sa binata. Tumango naman ang ina sa tanong ni matt.Nagtaka naman ang dalaga sa naging istura nito.hawak nito ang kanyang baba at tila may iniisip."hmm, I think you guys look good together, right kenn?" rinig niyang tanong ni matt sa kapatid. Namul

