CHAPTER 9 - Letter

929 Words
Yuan POV Pumasok agad ako sa kwarto at naligo para hindi magkasakit. Sinuot ko yung sports bra na black na binili ko nung nakaraang araw at short. Lumabas ako ng banyo ng ganun lang dahil papatuyuin ko pa yung buhok ko. "Ah here's you're jacke—ops sorry" Agad nyang sinara ulit ang pinto. Nakalimutang ko palang ilock? Bat di sya kumatok. Nagsuot ako ng pink na t-shirt saka pinihit ang pinto at bumungad sakin si Scarlet na nakasandal pala sa pinto at muntik na matumba. Agad nyang binigay yung jacket saka umalis sa harapan ko. Hmm okay. Nilock ko na yung pinto at nakita kong umilaw yung phone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino. Si sir Sebastian. Kanina habang nasa school ako bigla lang may tumawag sakin sa phone na toh at nagulat ako ng malaman kong si sir Sebastian pala. Di ko alam kung pano nya nakuha ang number ko pero maimpluwensya syang tao. |'Yuan, wag mong masyadong babaan ang sarili mo sa pagpasok mo sa university. Ayuko makarating ulit sakin na nabugbug ka dahil sa ayaw mung madungisan ang pangalan ko, i can take the responsibilities don't worry'| —Received. Hayst alam nya lahat sa background ko. Napahiga ako sa kama at di ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nagising ako dahil sa isang kalabog sa labas ng kwarto ko. May bisita ba si Scarlet? Alam ko ayaw nyang may makakita sakin nadito sa condo nya at baka ano pang isipin ng mga kaibigan nya its written in her eye kaya alam ko kung saan ako lulugar. Umupo ako at tingnan ang oras. Hmm 1am gantong oras may bibista ba? Sumilip ako sa pinto at nakita ko si Scarlet na balot na balot ng kumot sa sofa habang nanonood ng movie. Kakaiba din sya mensan. Lumabas ako para puntahan sya. "Nanonood pero tulog?" Wala sa sarili kong nasabi nung makita ko syang tutulog. Pinatay ko yung tv ng biglang kumidlat at napayakap sya sakin kaya naout balance ako saka bumagsak sa sahig. "Aray" Daing ko pero itong isa ang higpit ng pagkakayakap sakin. "I'm afraid of thunders, dito ka lang" Mahinang sabi nito. Napabuga ako ng hangin saka tumayo ganun parin nakayakap lang sya. Kumalas muna ako at napayuko sya...hinila ko yung sofa para maging bed size saka humarap ulit sa kanya. Hinawakan ko noo nya at mukhang mainit sya ah. Bigla akong nagitla nung yumakap ulit sya at natumaba na kami sa sofa. "Scarlet may lagnat ka teka kukuha lang ako ng gamot" Sabi ko pero hinigpitan nya lang ang pagyakap sakin. "No i don't need that" Rinig kung sabi nito. Ano gagawin ko sa babaeng toh...nakapatong sya sakin habang nakayakap sa bewang ko. Niyugyug ko sya ng mahina at mukhang nakatulog na sya. Kaya iniba ko posisyon namin at hiniga sya sa sofa saka pinaunan sa braso ko. Sigurado akong magdadada na naman sya bukas. _________ "Why you!" Nagising ako dahil sa sigaw na yun at naramdaman kong may nagtulak sakin para mahulog sa sofa. Aray pangalang beses na toh para magkaharap kami ng sahig. "Nakakadalawa kana ah" Sabi ko habang tumatayo at hawak ang likod ko. Nabalian atah ako ng buto. "Bat nakayakap ako sayo! Bat magkatabi tayo!" Ano na naman pinuputok ng butse nito ah. "Dinaig mo ba may amnesia ah, fyi ikaw yumakap sakin at di na ako pinapakawalan" Sabi ko at umupo sa side ng sofa. "Liar—" Napatigil sya sa pag salita nung hinawakan ko noo nya. Nawala lagnat nga ah magic? "Wala ka ng lagnat buti naman ang weird mo magkasakit" Sabi ko at pumasok sa kwarto. May pasok pa kami at 7:23 am na ng umaga. Nagbihis na ko at kinuha ang bag ko. Lumabas ako ng kwarto at ang tahimik...umalis na atah sya. Kaya nag madali akong bumaba ng condo at pumara ng taxi. Late nakoooo... Sa subrang pagmamadali ko ay may nabangga ako lalake papunta sa room ko. "Ah sorry kuya" Sabi ko at balak ng umalis ng matigilan ako sa sinabi nya. "Enaesh?" Yung pangalan na yun...tinatawag sakin yun dati. Agad akong napalingun sa lalake. "Ikaw ngaaaa!" Agad nya akong niyakap pero ako nasa stage parin ng shocked. Nakabalik na sila? "Wahh it's been 3 years, ang pogi natin ah ganda ng buhok mo" Sabi nito sakin at ngumiti ako sakanya muntik ko syang di makilala. "Yeah tatlong taon din Warren ang pogi mo na" Pabalik na sabi ko at tumawa sya. "Alam mo Enaesh di ko alam na nag-aaral ka din dito" Sabi nito at tinapik tapik pako. 'Enaesh' tinawag nila sakin yun as special to them. "Andito din si Hans matutuwa yun na makita ka, kasstart lang namin na magtransfer ngayun tapos ikaw una kung nakita maiingit si Hans nito" Pagmamayabang nya kaya natawa ako. Dati kaming magbabarkada tatlo kami ako si Warren at Hans...yeah ang weird kase lalake sila pero may respeto parin sila sakin bilang babae. "Uy kanina kapa tahimik Ena.." Pag-alala nito...umiling lang ako baka ano isipin nya. "Si Mica pala hindi pa sya uuwi dahil ba dun?" "Hindi kahit hindi na sya umuwi wala naman syang dapat uwian dito" Ngiting sabi ko at bigla nya kong siniko. "Ayannnn hahaha kita tayo mamatay sa canteen ah hintayin ka namin ni Hans" Sabi nito at nagpaalam na sakin pero bago yun may binigay syang letter sakin sabi nya para daw sakin galing kay Mica. |'I'm sorry Yuan pls hear me out? Di ko toh ginusto pangako babalik ako aayusin ko lahat'|— Mica Cheng. "Kahit hindi na" At nilukot ko yung papel saka tinatupon sa basurahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD