Avril's PoV: Agad akong napalinga-linga sa paligid when I reached the location of them. May mga kaunti ring tao na naririto sa loob. I noticed na kinakawayan pala ako ni Yvotte. Mabilis akong naglakad papalapit sa kanya. She's near the counter. Napakunot-noo ako. "Nasaan si Allyson?" Tanong ko sa kanya. Well, nag-iisa lang na naririto sa harap ko si Yvotte. "Mabuti naman at nakarating ka na rito. Anyways, don't worry dahil pumunta lang ng comfort room si Allyson. Babalik din ang isang 'yon." She answered. Napatango naman ako sa narinig. "So kanina pa kayo rito?" "Ah... Yeah." So that explains kung bakit maraming bote ng beer ang nasa place nila. Pero bakit parang hindi naman masyadong lasing 'tong si Yvotte? Maybe, tipsy lang sya. Oo nga tama. "Ba't ang aga nyo namang uminom?" Nata

