Avril's PoV: "Let's go to Tierra de Maria first." I said to Ally. Napatango-tango naman sya. Ang Tierra de Maria kasi ay isang malaking rebulto ni Mama Mary at mayroon din syang church. Isa rin syang tourist spot kaya medyo marami-rami rin ang tao doon. "That's maganda. We should pray before of anything else." Saad nya. Napatingin naman ako sa kanya at hindi ko maiwasang magulat. "Infairness demonyita, nag-uupgrade ka ha. Marunong ka palang magdasal." Natatawa kong saad sa kanya. Well, hindi ko kasi 'yun ine-expect. Tama nga 'yung sabi nila na expect the unexpected. Matatalim na tingin ang simulang natanggap ko sa mula kay Ally. Maya-maya pa ay pabalya nyang binitawan ang aking kamay atsaka nauna nang maglakad. Nanlaki bigla ang aking mata. Oh shems. Mukha atang naasar si Ally ah.

