Chapter 10

1033 Words
-Mat Ngayong araw ay birthday ko. Kahit hindi sabihin ni kuya, alam kong may gagawin silang sorpresa para sakin. Ramdam ko lang naman. Maaga akong pumasok ngayong araw. Pagsakay ko sa school bus namin makikita ang mga tsismoso't tsismosa sa school namin na pinagbubulungan ako, nilalayuan ako. Ito na naman tayo. Nakakasira ng araw pero hindi ko na lang papansinin, 'di ko na lang papakinggan. Pag upo ko, wala pa si Lee. Hindi ata siya papasok ngayong araw dahil mauuna dapat siyang sumakay ng bus kaysa sa akin. Pambihira naman! Lee naman. "Mat!" si Tristan pala, tinabihan niya 'ko. "Nakausap ko si Lee, hindi raw siya makakapasok ngayong araw." sabi ni Tristan. "Ah, kaya pala wala siya. Bakit kaya?" tanong ko sa kanya. "Emergency daw. May mahalagang lakad daw sila ng nanay niya. Ewan ko ba doon. Wag kang mag-alala, andito naman kami ni Sam. Papasok 'yon sigurado!" ngumiti siya. "Tol, salamat sa inyo ha?" "Wala yun! Ano ka ba." sagot niya. Hindi niya siguro alam na birthday ko, pero ayos lang. Hindi ko rin pala nabanggit sa kanya. "Kamusta Mat?" tanong niya sakin. "Ayos lang ako." maikling sagot ko. "Ibig kong sabihin, kamusta ang nararamdaman mo ngayon?" Ibig niya sigurong tanungin ang tungkol sa sakit ko. "Ok lang ako, ok lang talaga." Sa totoo lang, ayoko ng pag-usapan ang tungkol sa sakit ko. Ayoko ng mag-alala sila. "Alam mo, bilib ako sayo Mat," sabi niya ng hindi tumitingin sakin. "Ang daming nagsasabi ng masasakit na salita tungkol sayo at alam kong naririnig mo 'yon pero matapang mong hinaharap ang lahat. Hindi ko naiintindihan dahil kung ako yung nasa kalagayan mo, alam kong hindi ko kakayanin ang lahat. Sobrang masasaktan ako at malamang na magkukulong na lang ako at siguradong dadamdamin ko iyon habang nabubuhay," sabi niya na hindi pa rin tumitingin sakin. Ako? Matapang? Sana nga, sana nga matapang ako. "Sinusubukan ko lang," sagot ko. "Sinusubukan ang ano?" Tanong niya habang nakatingin na sa akin. "Maging matapang. Alam kong walang mangyayari kung magiging duwag ako at magtatago." Muli, inalis niya ang tingin niya. "Ang mga tingin ng tao sayo, ang mga sinasabi nila, hindi 'yon para sakin pero nararamdaman ko. Siguradong masakit yon para sayo Mat." sagot niya. Hindi ako nagsalita. Oo, siguro nga. Mayamaya ay dumating na rin si Sam "Kamusta kayong dalawa? Asan si Lee?" tanong niya samin. "Hindi raw siya papasok. Ewan ko don, tinatamad ata." sagot ni Tristan. "Hay nako talaga si Lee. Hayaan niyo na tayong tatlo na lang magsama." Umupo siya sa tabi namin ni Tristan. At binigyan niya kami ng dala niyang pagkain. Maswerte ako na nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad nila. Hapon, uwian na. Naglalakad na ko pauwi samin. Hindii ko nakita si Kuya sa school, ganon din si Lee. Sabi ko na mukhang may pinaplano sila. Sana lang na hindi nya kalimutan yung libro na pinabili ko sa kanya. Malapit na ko sa bahay ng biglang sinalubong ako ni Mommy. "Happy birthday anak," hinalikan niya ko at niyakap. "Aalis pala ako. Baka bukas na ko bumalik ha. Ang kuya mo wala pa. Hintayin mo na lang, okay? Babye!!" Huh? Ano? Ba't ganon? Birthday ko kaya! "Ok Mom, ingat." sabi ko. Nakakatampo naman si mommy. Pagpasok ko ng pinto, wala nga si Kuya o kahit si Lee. Pambihira! Hinanap ko sila sa bakuran. Mukha wala ngang surprise. Umasa na naman ako. Makabihis na nga kaysa maging malungkot. Binaba ko ang mga gamit ko sa higaan at chinat ko si kuya. "Kuya bilisan mong umuwi. Wala akong kasama dito, umalis si Mom. Wag mong kalimutan ung libro ko." mayamaya ay umilaw ang cellphone ko, mabuti at nagreply agad siya. "Pabukas ng pinto Mat, andito na ko. Nakalimutan ko yung susi ko." bumaba naman agad ako para buksan ang pinto at pagbukas ko. "Halika Mat! Sumama ka sakin may pupuntahan tayo! Bilisan mo!" sabi ni kuya Lucas, sabay hatak sakin. "Teka, saglit. San ba?!" sagot ko. "Basta wag kana magtanong sakay na sa sasakyan." Sinara namin ang bahay at umalis na kami. "Kuya san tayo pupunta?" hindi siya sumagot sa tanong ko. "Ito, isuot mo muna," sabay inabot niya ang blindfold. "Huh? Bakit?" "Basta isuot mo! Dami mong tanong." Haha, nagalit. Sinuot ko naman siya. Mabilis lang kaming bumiyahe. Mga 20 minutes lang. "Andito na tayo Mat. Wag mong tatanggalin yan hanggang hindi ko sinasabe," bilin niya sakin. "Ok, sige," sagot ko. Naglakad na kami, inalalayan nya ko. Ang lamig ng hangin. May naririnig ako. Tunog ng alon. Wag mong sabihin na andito kami sa tabing dagat! "Tanggalin mo na Mat," utos niya. At ng tanggalin ko ang blindfold. "Happy Birthday Mat!!!" Andito silang Lahat! Si Mommy, na akala ko aalis talaga sya. Si Kuya Lucas, Kuya Aeron, Ate Lauren, Si Lee, Si Tristan at Sam. Akala ko hindi nila alam na birthday ko! Masaya sila lahat. Halos tumulo ang luha ko. Magaling talaga si kuyang mangsurprise. Lumapit ako sa kanila at nagpasalamat. Nasa paborito akong lugar kasama ang mga kaibigan at pamilya ko. Salamat Panginoon. Sobrang saya ko. Biglang may hinatak silang isang malaking box. Ano kayang laman nito? Duda ako dito ha. "Regalo namin sayo. Buksan mo na Mat." sabi ni Kuya. Kinakabahan ako. Ano kayang laman nito. "Dahan-dahan lang ng pagbukas Mat. Nakakatakot yan!" sigaw ni Lee at Tristan. Mga loko talaga 'to! Nagtawanan naman sila. Binuksan ko ang malaking regalo at nagulat ako sa nakita ko. Isang book shelf na maraming nakapatong na libro! Halos tumalon ako sa tuwa. Sobrang ganda nito! "Nagustuhan mo ba Mat?" lumapit sakin si Kuya. Niyakap ko siya. "Salamat. Salamat kuya!" "Check mo na sa list mo yung magbonding sa tabing-dagat." sagot niya. Ngumiti ako sa kanya. Nagpatuloy ang masaya naming gabi. Sa tabing dagat, nanunuod kami ng palabas sa projector screen. Pinagmasdan ko silang lahat, masaya sila. Masaya kaming lahat. Nagpatuloy ang palabas at nagpatuloy ang nararamdaman ko sa buong katawan, matagal na. "Panginoon, sana palagi silang maging masaya katulad nito. Kung hindi man ako aabot sa huling list ko, salamat at nakasama ko sila ngayong gabi. Masaya na ko! Mukhang pwede na, pwede na siguro." Bumibigat ang mga mata ko, kailangan ko na sigurong magpahinga. Nahiga ako at ipinikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD