Chapter 1

1141 Words
-Lucas "Kuya! Kuya Lucas!" sigaw mula sa labas ng pinto ko. Pambihira naman. 7:30 pm. nag-aaral ako tapos may makulit na tatawag sakin. "Kuya Lucas!! Yuhooo!!" habang malakas na kinakatok ang pinto ko. "Ano ba Mat?! Istorbo ka! Nag-aaral ako dito! Ano bang kailangan mo?!" galit na sabi ko. Ako nga pa si Lucas Reyes. 19 years old at 3rd year college sa kursong medisina. Ayus ba yon? Hindi ko nga din alam kung paano ako napunta sa kurso na yun dahil ang alam ko lang ay may sinusundan ako roon. At ito namang nakatok? Siya si Mateo Reyes. Siya ang nakababata kong kapatid. 16 years old at walang lisensya. Kilala ni mommy na puro kalokohan at mahilig sa gulo. Kaya naman sigurado akong magpapasama 'to sa'kin paglabas para mapayagan s'ya. "Samahan mo ko, please?" sabi na e. Habang nagpapaawa sakin na ang totoo mukha s'yang tanga sa pinaggagagawa niya. "Wag ako! Busy ako. Magpasama ka kay Mommy. Sasamahan ka n'yon." "Ayoko! Hindi ako papayagan n'yon. Alam mo naman kung bakit 'di ba? Sige na Kuya. Please naman! Ipagdrive mo lang ako. Hindi pwedeng wala ako roon. Birthday party ng mortal na kaaway namin 'yon. Hindi pwedeng hindi ako manggugulo roon," habang pinipilit na buksan ang pinto ko. "Ayoko nga! Isa pa!" galit na talaga ako "Babayaran kita ng 1000. Sige na! Basta samahan mo lang ako, please." "Give me 2000, sasamahan kita," sabay ngisi ko. "Ang kapal naman ng mukha mo! Kaya hindi umuunlad ang bansa natin dahil sa mga katulad mo!" sabi nya habang namumula sa galit. Ganon talaga, wala tayong magagawa. "Okay, labas kana. Matutulog na 'ko at wag mo na 'kong istorbohin pa!" pang-aasar ko sa kanya. Siguradong kakagat 'to. "Okay, fine! 2000. Basta wag kang mangingialam sa gagawin ko ron!" "Deal! Parang magiging invisible man lang ako mamaya sa party. Hahaha!" Nagugustuhan ko pag inaasar ang kapatid kong pikunin. "Halika na po boss. Baka mahuli ka pa sa kalokohan na gagawin mo," tawag ko sa kanya sabay dabog niya naman na parang bata. "Mom, sasamahan daw ako ni Kuya Lucas," biglang hatak sa'kin na ang ibig sabihin ay ako na ang bahalang magpaliwanag. Sana payagan. "Yes Mom. Kasama si Aeron doon. Inimbitahan din kasi ako pumunta sa party," paliwanag ko habang nagkakamot ng ulo. Si Aeron pala bestfriend ko at 'yong may birthday? Si Tristan na laging nakakaaway ng kapatid ko. At kung tatanungin n'yo naman kung mag kaano-ano silang dalawa. Wala! Hindi sila related sa isa't-isa. Sinabwat ko lang si Aeron para maniwala ang Mom namin dahil malaki ang tiwala niya kay Aeron. "Sigurado ba kayo diyan? Baka naman pinaglololoko nyo lang akong dalawa ha? Ikaw Lucas! Ikaw ang panganay. Maging magandang halimbawa ka sa kapatid mo, hindi 'yong sasamahan mo pa sa kalokohan," sermon niya. Pambihira naman talaga. Ako pa nasermonan dahil dito sa kapatid ko. "Mom, tatawagan ko si Aeron para maniwala kayo. Wag kayong mag-alala. Si Mat lang ang pasaway at hindi ako," sabay akbay ko sa pasaway kong kapatid at ginulo ko ang buhok niya. Sinagot niya lang ako ng simangot. Tinawagan namin si Aeron at lahat nman ng mga pagpapanggap ay nagawa niya. Mahusay ka talagang magsinungaling kaibigan. "Mag-ingat kayong dalawa ha. 10:00 pm dapat andito na kayo. Kung uuwi kayo ng madaling araw, wag na! Kung uuwi kayo ng lasing, wag na din! Sa kalye na kayo tumira. Maliwanag ba 'yon?" sabi niya. Medyo mahigpit s'ya, dahil siguro wala na kaming ama. Naaksidente si Daddy noong bata pa kami ni Mat at siguro ayoko na ring pag-usapan pa 'yon. "Okay Mom. Bye! I love you!" sabay naming sinabi ni Mat. Nagsisimula pa lang ang party nang makarating kami doon. Konti lang ang kaschool mate namin at the rest mga kamag-anak na siguro. Nakita ko si Lauren sa party. Kinabahan ako dahil hindi ko alam ang gagawin o sasabihin sa kanya. Nakita niya ako at nginitian. Ngumiti rin naman ako sa kanya. Kung sino sya? Sya ang dahilan ba't nasa medisina rin ako. "Andyan na pala kayo!" sabay high five ng dalawang unggoy sa tabi ko. Siya si Lee, bestfriend ni Mat. "What's up kuya lucas?" sabi ni Lee sa 'kin. "Wag mong pansinin yan tol! Bayad 'yan para hindi magsalita at gumalaw," pang aasar ng kapatid ko. "Aba! Loko ka. Halika ka dito!" sabay takbo n'ya at nag peace sign. "Hintayin mo kami d'yan kuya, may gagawin lang kami!" at mabilis na tumakbo habang tumatawa. Ang sama ko atang kuya. Hinahayaan ko sa kalokohan ang kapatid ko. At ang sama ko rin naman kung hindi ako papayag. Ewan ko! Last na 'to. Kahit anong mangyari hindi ko na sasamahan 'to sa mga ginagawa n'ya. Naglibot muna ko. Kumain, uminom ng konti at nakipag usap sa mga iba naming ka school mate. 9:20 pm na pero wala pa rin si Mat. Pambihira naman talaga. Pauwi na dapat kami ngayon. Ang tagal n'ya naman ata masyado. Biglang may nagkakagulo. Nakakaramdam akong andon sila Mat. Sigurado na naman akong dahil 'yon sa kanila. Laging nakikipag-away ang kapatid ko at ang kalokohan nila ang laging nagpapagulo sa mga tao. Papalapit ako sa kaguluhan ng lumapit sa'kin ang isa sa kaschool mate namin. "Lucas! Si Mat, walang malay! Bigla na lang syang bumagsak!" Ano!! Dali akong lumapit at nakita ko nga s'yang nakahiga sa sahig. Tinutulungan sya ni Lee at Tristan. "Lee! Anong nangyari Lee!! Ano bang ginawa nyo!" galit na sabi ko. Masisisi mo ba ko? Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na 'yon. "Hindi ko alam Kuya Lucas! Hindi ko alam! Bigla na lang s'yang bumagsak. Sinabi n'yang nahihilo daw s'ya kanina. Hindi ko talaga alam kung bakit," mangiyak ngiyak na sabi nya sa'kin. Dinala namin agad si Mat sa ospital kasama ko si Lee at tinawagan ko si Mom. Sumagot naman s'ya at sinabing pupunta agad s'ya. Alalang-alala s'ya. Sigurado akong ako ang mapapagalitan dito pero hayaan na. Kasalanan ko naman talaga 'to. "Anak! Anong nangyari kay Mat?!" malayo pa sya ay sambit nya na 'yon sa pag aalala. "Mom, hindi ko alam. Nawala lang s'ya sa paningin ko at pagtapos ganito na ang nangyari," paliwanag ko. Alam kong ako ang dapat sisihin sa nangyayari. Naghintay kami. umaasa na maayos ang kalagayan ni Mat. Mayamaya pa ay lumabas na rin ang Doctor. "Kaano-ano nyo po ang pasyente?" tanong ng doctor sa amin. "Anak ko ho sya. Doc kamusta po ang anak ko? Kamusta ang kalagayan n'ya?" Nakita ko ang pag-aalala ni Mommy kay Mat. Sobrang nakakaguilty para bigyan pa namin s'ya ng sama ng loob. "Ayon ho sa ilang test at pag-aaral na ginawa namin. Lumabas po na may sakit ang inyong anak," paliwanag ng Doctor. "Sakit? Anong sakit Doc? Lagnat? Trangkaso? Ano ho? Kailangan nya bang magpahinga?" sunud-sunod na tanong ni Mom. At ang sagot ay lubos na nagpagulat saming dalawa. "May cancer po ang anak nyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD