Matamlay ang mukha ng lalaki na umisod sa bandang dulo. Hindi na ito nagsalita pa at tahimik lang itong nagbigay ng espasyo. “Titigil muna tayo sa isang islet sa bandang dulo!” sabay turo ni Brian. “Wow, its amazing! Sobrang ganda naman dito napakalinaw ng tubig kitang kita ang puting buhangin sa ilalim.” Todong reaksyon ng tinawag ni Brian na Alfred kanina. Kahit siya napatigil at na -excite nang lulusong sa tubig dagat. First time niyang makapunta sa ganitong lugar. Kahit sabihing nagbabakasyon din silang magpamilya pero kakaiba ito sa mga beaches na napuntahan na niya dati. Napatalon na ang iba sa dagat pagdaung pa lang ng boat. Naunang bumaba si Brian sa tubig. Nakatingala ito sa kanya na tilang pinag-aaralan nito ang kanyang ikilos. “Come here! Dalawang kamay nito naka-straight f

