Chapter 6

1621 Words
Napakalakas ng tugtog ng awitin ang kanyang naririnig buhat sa labas. Madilim na ang paligid dahil hindi na niya nakikita ang sinag ng araw na pumapasok sa kanyang silid. Napaidlip yata siya pagkatapos ng mga kaganapan kanina. “Iha, gising ka na ba diyan? Boses ng Mommy nito. Nandiyan na po! “Maghanda ka na at malapit na mag-umpisa ang party ng mga Castillo!” Naiinis siya sa sarili hindi niya alam kung ano ba talaga ang kanyang totoong nararamdaman. Kahit siya confuse sa kanyang sarili. “Mom ano ba nag dapat isusuot sa party? Dungaw nito sa pintuan. “Ito may inihanda ako para sa’yo ipinabili ko ito kanina! Sabay abot ng ina. Isang beach white formal mesh off shoulder dress ang laman ng paper bag. “Mom, is it fit in the occasion? Or baka yung iba doon naka-two-piece na lang!’ pabiro dito. “Anak sige na magbihis ka na at kanina pa tayo hinhintang ng Daddy mo! Nakapunta na nga siya doon sa venue sa beachfront bumalik nga lang para sunduin tayo” “Nandiyan na po in 10 minutes! “NAKU mag-ina nga kayo, kanina pa ako naghihintay sa inyo napakatagal ninyo mag-ayos! Sita ng ama Napangiti na lamang siya alam niyang pag ganito ang kilos ng ama nagmamadali ito. “Dalaga ang anak mo Nestor, siyempre nagpapaganda pa ‘yan! Maraming guest na ang naroon sa beach front at nagkakalat ang mga table and chairs at sa bandang harapan naka set-up ang acoustic band na umaaliw sa mga naroroon. Inikot niya ang kanyang paningin tilang matalas ang mata niya at may hinahanap. “Hello everyone! ‘ si Mr. & Mrs. Castillo ang sumalubong sa kanila. “You look stunning tonight Iha! Puri nito at sinabayan niya ng pagmano sa kaharap. “Thank you Po! “Halika na kayo, the program is soon to start. You can sit on the VIPs rows!’ sabay turo ni Mr. Castillo. “Ok lang kami Pare, don’t bother we can manage! Umikot ang kanyang paningin at nanlumo at may kirot siyang naramdaman ng makita ang dalawang taong paparating si Dok Brian at inaalalayan si Dok Pam. Ipinaupo nito sa isang table sa dulo. Inggit na inggit siya sa atensyon na ibinigay ni Brian dito. “I saw them Anak! Alam kung nakikita mo ang ibig kung sabihin! “Mom, let’s enjoy the night na lang! “Hindi ka ba nanghihinayang sa pagkakataon na sana kayo ang magkasama ngayong gabi! “Mom, can you stop mentioning about them! “Hindi kasi iyan ang nakikkita ko sa mga mata mo ngayon pagkatapos mong makita si Brian na may ibang kasama! Biro ng ina “Binata si Brian at maraming humahabol diyan!We have our own life! Napailing na lamang ang ina. Nag-umpisa ang programa at mas lalo pa siyang napahanga nang magsalita ang binatang doctor. Ang lambot ng boses nito habang ikinukwento ang history kung paano napasakanila ang Resort. Minsan tumama ang paningin nila sa isa’t-isa pero hindi niya mawari ang nais iparating ng mga titig nito. “Sobrang successful na talaga sa larangan ng negosyo at maging sa propesyon nito marami na siyang natutulungan at malayo na ang narating!’ narinig niya sa katabing table. Sa loob ng 4 years marami siyang hindi alam sa mga nangyayari dito sa Pilipinas. Lalo na kung tungkol kay Brian. Kung gaano man ito ka kilala sa kanyang larangan iyan ay hindi niya lubos naisip. “Everyone let’s enjoy the night! We have prepared food and hard drinks to those who spend the whole night here! Party..Party.. huling salita ng Binatang doktor. Sumusunod ang kanyang mata mesang linapitan ni Brian. Nakita niyang tumayo ang dalawa at inalalayan si Dok Pam na lumakad paalis sa umpukan ng nga bisita. “Are you sure Anak, ok lang ba? “Mom, huwag po kayong mag-alala I can manage! Yumuko siya dahil gusto niyang huminga at mag-ipon ng hangin tilang na-suffocate ang puso niya. Naiinis man siya sa sarili pero may kirot siyang nararamdaman sa ngayon. “Hello, can I join with you tonight! It’s Rommel Chen again umi-eksena. Kapwa mga magulang niya napalingon at tilang sinisiyasat ang lalaking umupo sa tabi ng kanilang anak. “Mom, Dad meet Rommel business partner siya ng asawa ni Marianne, na meet ko siya sa wedding! “Good evening po Sir, Mam! Sabay lahad ng kamay sa dalawa. Kitang kita ni Shane ang pag-asim ng mukha ng ama nito at tilang pina-aaralan ang kilos ng lalaki. “Mabuti naman at may bago ng kaibigan ang anak namin! Ang Mommy nito “Mom siya ang kasama ko kanina sa paglalangoy! Nang magpaalam ang magulang nito para maglakad lakad sa dalampasigan naiwan silang dalawa ni Rommel habang nakikinig sa umaawit. “Alam mo sobrang ganda tinggan ang dagat ngayong gabi. Parang nang-aanyaya ang simoy ng hangin para maglakad!” Habang nakatingin sa grupo ng mga guest na hawak ang kopita habang naglalakad at nakatanaw sa iba’t ibang nagkikislapang mga sasakyang pandagat na makikita sa di-kalayuan lang. Siguro ang iba diyan mga mangingisda na palutang lutang sa gitna ng karagatan at nagbabasakali na makahuli ng isda. “Sobrang tahimik siguro ng lugar na ito pag walang ganitong okasyon. Ang sarap dito magbakasyon para makapag-unwind man lang malayo sa magulong syudad.” Puting-puti ang buhangin at ang linaw ng tubig dagat.’ “Mapalad talaga ang pamilyang Castillo at nabili nila ang lugar na ito. They can develop this even more beautiful at gawing first class destination.” Habang tumutugtog ang acoustic band mas minabuti ng mga bisita tumambay sa dalampasigan dala ang kanilang mga pagkain at inilatag sa buhanginan. Halos lahat naka-picnic set-up na. Naglalakad din sila habang nagmamasid sa paligid. ‘How’s your work in Dubai? Have you plan to comeback for your job? “Pinag-iisipan ko pa, plano ko muna mag-spend ng time muna dito together with my parents! Napatigil si Rommel sa paglalakad at hinawakan siya sa bisig. “I think we should comeback, maybe this is the restricted place! Sabay nguso sa bandang unahan nila. Napatutop si Shane sa kanyang bibig. Maybe it’s just a kissing scene in a movie ang kanilang nasaksihan. Dalawang nilalang na naghahalikan na nakahiga sa buhanginan. Nakaharap ang babae sa kanila pero yung lalaki nakatagilid payakap sa babae at tilang walang pakialam sa mga taong dumadaan. “Come let’s comeback! We will be disturbing them! Napapalingon pa siya ng isang beses at nag-agaw ng pansin sa kanya mukha ng babae, kahit may kadiliman ang bandang iyon pero hindi magkakamali ang kanyang mga mata. It’s Doc Pam. It can be Brian Rex ang lalaking kanyang kahalikan. Nanlulumo siya at gusto niya ulit lumingon para alamin kung tama ang kanyang hinala pero nakakahiya naman kay Rommel baka ano ang sabihin nito. “Sobrang romantic naman tugtog ng acoustic band at napapadala sa bugso ng damdamin ang mga lovers! At ngumisi pa ang kasama. “Shane do you have boyfriend? tanong nito. “Bakit mo naman natanong yan ha! “Its just I’m curious of your current status! “I’m single.. “Do you have boyfriend? huwag mo sana mamasamain ang tanong ko!” Umiling na lamang siya para sagutin ang lalaki. Napatawa ito. “Sa ganda mong ‘iyan, bulag yata ang mga lalaki sa Dubai at hindi ka nila napansin! “Maybe pero kidding aside siguro wala lang sa priority ko ang serious relationships, I am just focusing on my career! Inalalayan siya ni Rommel para makaupo sila sa mini bench malapit sa venue ng party. Buhat doon matatanaw pa rin nila ang hindi nauubusang tao sa dalampasigan. Everyone’s enjoying the night. Tumayo si Rommel para kumuha ng pagkain sa buffet table. Napatitig siya sa kalawakang habang nakatanaw sa mga bituin na nagkikislapan tilang may naalala siya pag ganito. “Sige na mag-wish ka na sa falling star at sisiguraduhin ko magkatotoo iyan! Habang nakahiga siya sa kandungan ni Brian at kapwa sila nag-aabang sa kalawakan. “Pumikit ka na! Kasabay ng kanyang pagpikit ang paglapat ng malambot na labi ng lalaki. Sobrang alab and they shared torid kiss together. “Are You done? “Naudlot dahil ang kulit mo Mr. Brian Rex, tingin ko hindi magkatotoo ang wish ko! ‘And what is your wish for tonight? “That we will be forever! And sorry dahil hindi natapos iyon, I think it wouldn’t happen anymore! “Hoy! Miss Shane..hello! hello! Are you still there? Boses ni Rommel ang nagpabalik sa kanya sa katinuan. Nakatulala pala siya habang nag-imagine ng mga eskena from past. “Maybe falling star isn’t true!” Sabi niya sa kanyang sarili. “Here! Abot sa kanya ang isang plate ng iba’t-ibang dessert. Napangiti naman siya rito. “Ano sa akala mo malakas kumain! I’m on diet Mr. Chen! “Just for tonight let’s stop that nonsense diet! At kapwa nila pinagsaluhan ang dalang pagkain. Naging comfortable din siya sa kasama dahil gentlemen din ito at hindi pala ito katulad sa first impression niya presko at mayabang. NAPALINGON sila sabay sa taong nagsalita sa kanilang likuran. “I think you are very much enjoying the night!” Si Dok Brian at magkahawak kamay sila ni Dok Pam. Napatayo si Rommel at nakipagkamay sa binatang doctor. “Thank you dok, for inviting us here! Si Rommel Napatango ito at tinapunan ng tingin si Shane. “All I knew bumalik ka na sa villa, nagkita na kami nila tito at tita doon! Kaya pala hindi kita nakita narito ka pala sab ago mong kaibigan! Sabi nito. “Sinusulit lang ang mga oras dok! Si Rommel ulit at ngumiti kay Dok Pam. Lumingon si Brian at inakbayan ang katabi. “By the way please meet my girlfriend, Dok Pamela Solis! pakilala ni Brian na halos ikinagunaw ng mundo ni Shane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD