Laging mainitin ang ulo ni Brian sa araw araw nilang pagkikita. Nagpakumbaba siya para amuin ito at ipadama dito ang pagmamalasakit niya pero sa halip pinagsawalang bahala lang nito. “Pakilagay na lang diyan ang papeles at pwede ka na makalabas!” habang abala sa ginagawa sa kanyang laptop. Napatikhim siya para kunin ang atensyon ni Brian pero nabigo siya. Sa halip tumayo ito at kinuha ang saklay at tinalikuran siya papunta sa pantry. Bagsak ang balikat na linisan ang opisina ng binata. Nararamdaman niya after ng aksidente umiiwas na ito sa kanya. Hindi na nga ito dumadalaw sa kanilang bahay. Nami-miss niya ang dating Brian na sobrang sweet sa kanya. Lagi naman dumadalaw si Dok Pamela sa opisina ng binata at magkasabay ang dalawa papunta ng hospital. Hindi siya pumapasok sa opisina ng

