Nakarecieve siya ng tawag buhat sa lalaki kinaumagahan at nagpapaalam ito na aalis na ang kanilang team papuntang Tacloban. Heto kasi ang napili ng USAID funded program na lugar na kanilang pagdadausan ng medical mission. Napapangiti siya nang maalala ang naganap kagabi. Halos hindi na uuwi ang lalaki nang maihatid siya nito. Tumambay pa sila sa bahay kubo sa likurang ng bahay para makapag-solo. Hinayaan din naman sila ng dalawang matanda. “Tumawag si Brian sa akin, may medical mission pala sila!” ang Daddy nito habang kaharap niya ito sa hapag kainan. “Yes Dad iyan din ang paalam niya sa akin!”habang subo ang sandwich. “Bakit hindi ka sumama para makapagpasyal ka din doon!” dugtong pa nito. Parang si Brian kung magbiro. “Trabaho po ‘iyan Dad, hindi naman pwedeng sasama ako doon, mas

