Kinaumagahan nagising ako dahil sa alarm clock ko. Iminulat ko ang mata ko sabay tungo sa banyo at naligo, pagkatapos ay nagtoothbrush. Nagbihis ako ng casual dress na color yellow. Tinignan ko iyon sa salamin at sobrang nababagay sa akin. Above the knee lang ito tapos with konting heels pak! "Bongga!" Sabay sabi ko. Nag make up ng konti para naman lalong lumiwanag ang mukha ko char. Tinawagan ko si Kia, kring,... Kring ... Tapos sinagot naman niya ito" hi Bes, good morning" Sabi ko. "Good morning bessy, saan punta?" Tanong agad nito. "Haha, ba't mo alam? " Sabay tanong ko. "Amf, alam ko na eh, base dyan sa pananalita mo gagala tayo." Aniya. "Ahh, sa mall, Tara?" Pang-aaya ko. "Sege Bes, breakfast muna ako. " Saad niya. "Okay, see yah!" Sabay pindot ko ng off button. Natapos na ako kaya lumabas na ako ng kwarto. Bumaba ako kase nasa second floor yong kwarto ko. Nakita kong nakahain ang breakfast, naupo ako sa dining table. "Yaya, where's mom and dad?" Tanong ko pa kahit alam kong may mga lakad iyon. "Ahh, si sir pumunta sa munisipyo may emergency daw, tA's si ma'am sa company niyo may biglaang meeting with board daw." Aniya. "Ok Yaya, tara kain tayo" pang-aaya ko sa kanila. Mga tatlong maids ang nandito sa bahay pero si Yaya Butsing ang Yaya ko since I was little. " Sege mamaya na iha, may gagawin pa ako sa kusina?" Sabi pa niya. "Ya, wait lang may itatanong lang ako?" "Ano yon ma'am?" "Bakit iha at ma'am ang tawag mo sakin?" Sabi ko pa ng may pagtataka. "Ahh, yon ba? Kase yon ang nakasanayan diba matagal na, dati pa naman ako ganyan ba't ngayon ka lang nagtatanong?" Aniya. "Ahm, joke lang ya, haha" sabay tawa ko rito. "Ikaw talagang bata ka" sabi pa niya. "ito na talaga ya. Anong feeling ng isang Yaya? " Tanong ko sa kanya. "Ahh, mahirap kase, wag ka magsumbong sa mom and dad mo ha?" Sabi niya pa. "Opo ya." "Kase daming trabaho pero kinakaya at kinagawian na namin yon. Tsaka masaya kase nakakapagbigay kami ng pagbabago sa buhay niyo. Gaya mo ako nag-aalaga sa iyo kaya para naring inalagaan ko anak ko at nakakasuporta pa ako sa kanila sa probinsya. " Sabi pa ni yaya. "Ahh, masarap din pala sa feeling yon? I mean ang alam ko lang kase na mahirap maging ganon, I mean no offense ya." Saad ko. "Amf, nakasanayan na namin yon iha, tsaka ito tandaan mo mamahalin mo ang trabaho mo kung saan ka masaya. " Aniya. "Huh pano?" Pagkalito kong tanong. "Masaya kami kase makakatulong kami sa inyo tapos makakatulong pa kami sa pamilya namin. " "Ahh," napatango nalang ako. "Sege na ya baka maisturbo ko ginagawa niyo. Tapos narin naman ako. Mag mall lang kami ni Kia today. " Saad ko. "Okay, iha" tsaka ako tumayo at dinala bag ko upang sunduin si Kia, sumakay ako sa kotse at si kuya (ang driver namin) ang naghatid samin sa mall. "Bes tara" pang-aaya ko kay Kia. Pumasok na kami at nagpark naman si kuya. Naghanap kami ng magandang damit, palibot libot kami sa mall. At napansin nalang namin na hindi na magka ugaga si kuya sa pagdadala mga pinamili namin. "Huminto kami sa may milk tea shop at doon nag order ng makakakain. "Bes, kain na ?" Sambit ko kay Kia. "sege lang bes." Kumain na kami at pagkatapos ay umuwi na. "Bes, ingat see yah, nang makarating kami sa harap ng bahay nila. Bumaba ito at nagpaalam. Nakarating ako sa bahay mga 3 pm, "ya paki ayos naman ako sa mga pinamili ko kanina oh." Sabi ko naman kay Yaya. "ok, iha susunod ako." "sege po." saad ko naman .