C H A N Hapon na ng makarating kami sa Isla Esperanza. Sa isang baryo kami tumigil na malayo nga sa hacienda Park. Tumigil ang sasakyan namin sa isang bahay dito na gawa sa semento. "Siguradong masusurpresa sina Mama at Papa sayo, Chan." Sabi ni Papa ng ihinihinto na nito ang sasakyan. Tumingin ako sa labas kung saan may nagsilabasan sa bahay na 'yun. dalawang nasa 50 years old na siguro. Hindi ko na rin nasagot si Papa nang lumabas ito sa kotse at sumunod naman si Ate. Binuksan ko na rin ang pinto nito pagkatapos ay lumabas na ako. "Ma, Pa," lumapit naman sina Ate at Papa sa kanilang dalawa. Makikita sa mga mata ng dalawang matanda ang saya nang muli nilang masilayan ang kanilang anak at apo. Tumingin si Papa sa akin. "Come here." Lumapit ako sa kanila at pinagmasdan naman ako ng d

