Warning: SPG, not suitable for young readers and sensitive minds. C H A N Pakiramdam ko'y para akong lumulutang. Kaya upang makita kung ano na ang nangyayari sa akin ay iminulat ko ang aking mga mata. Umiikot ang paningin ko kaya pinilit kong maaninag ang bulto ng isang taong bumubuhat pala sa akin. Nang maging malinaw ang lahat, kahit na nahihilo pa rin ako, nakikita ko ang magkasalubong na kilay, seryosong mukha at tila may inis na si Miguel. Narinig kong may bumukas na pinto at pumasok kami roon. Isinarado niya ito at buhat-buhat pa rin akong naglakad papunta sa isang malambot na kama. Hindi nito nakikitang nakamulat na ako at pinagmamasdan ang ginagawa niya. Nahihilo pa rin ngunit nakakaya ko pa naman maging malinaw ang paningin ko. Ibinaba niya ako sa malambot na kama at nang tu

