C H A N "Chan... S-Sandali lang," tawag ni Kitty sa pansin ko habang hila-hila ko ito papunta sa kung saan. Mailayo lang namin ang sarili sa canteen dahil sa inis ko sa dalawang iyon. Tumigil ako sa harapan ng auditory room at hinarap siya. Mabuti na lang at hindi na ito umiiyak dahil mas lalo akong nakakaramdam ng inis kapag nakikita ko siyang lumuluha. "Ano babalik ka roon at magso-sorry sa kanila? Hindi! Unang-una, wala tayong kasalanan at pangalawa, sila pa ang nanggago sa atin, Kitty!" singhal ko dahil nakikita ko na sa kaniyang mga mata ang gusto nitong sabihin. Napayuko siya at bumuntonghininga. "H-Hindi naman sa gano'n pero-" "Pero ano?" Tinaasan ko siya ng kilay kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin. "B-Baka nag-overthink lang ako na nakita ko silang naghahalikan k

