C H A N "Teh, bilisan mo ngang maglakad. Para kang ikakasal, eh!" singhal ni Tita Patty habang hinihila si Tito Steve. Kasama namin sila ngayon, dalawa kami ni Kitty, sa isang pamilihan dito sa Isla. Bukas na kasi ang birthday at ang anniversary ng Hacienda. At naisipan nila na sila na lang ang bibili ng mga sangkap sa lulutuin ng mga trabahador. Mga karne lang naman at iilang kulang na sangkap ang bibilhin namin dito. Balak din kasi nila na ipasyal kami ni Kitty kaya sumama na lang kami. Gusto pa sanang sumama nina Miguel ngunit hindi na sila pinayagan ni Tita Patty. "Ba't ka ba nagmamadali, baboy? Susumbong talaga kita sa asawa mo na kaya mo sinuggest na tayo ang bumili ay dahil gusto mong makita iyong crush mo dati dito!" sabi ni Tito Steve. Papunta pa lang kami ngayon sa isang bay

