C H A N Sakay ng taxi ay papunta ako ngayon sa bahay. Nagpaaalam ako kay Miguel na uuwi muna ako dahil tinawagan ako ni Ate. Hindi na ito sumama dahil mayroon silang victory party sa isang malapit na resto bar sa University. Gusto pa sana niya akong ihatid ngunit tumanggi na ako dahil kaya ko namang mag-isa at wala na siyang nagawa. Nang makarating ako sa tapat harap ng bahay namin ay nagbayad na ako kaagad at lumabas na. Nag-doorbell ako na agad din naman akong pinagbuksan ng maid at tuluyan na akong nakapasok. Nagtataka pa ako nang makita ko ang kotse ni Papa sa garahe. Wala ba siyang pasok ngayon? At nakakapagtaka kung bakit ako tinawagan ni Ate na umuwi ngayon, siguro'y nami-miss na nila ako. Gano'n din naman ako, matagal-tagal na rin nang hindi ako nakakauwi rito. Pagbukas ko ng m

