C H A N Masarap magmahal lalo na kapag mahal ka pabalik. Pero kapag nagmahal tayo dapat handa rin tayong masaktan, handa rin tayo sa mga bagay na posibleng mangyari lalo na iyong hindi tayo kayang mahalin pabalik. Sabi rin nila na kapag mahal natin ang isang tao. Maging masaya tayo sa kahit ba ano mang desisyon nitong tahakin, ang mahal ka niya pabalik o maging kaibigan lang kayong dalawa. Teka nga! Ano ba itong sinasabi ko? Napapailing na lang ako habang nagsisipilyo. Nakatingin ako sa salalim dito sa banyo sa loob ng kuwarto namin ni Miguel at sa baba nito ay may lababo kung saan ako namumog. Kinuha ko rin ang towel na nakasabit sa may lababo at saka pinunasan ko ang bibig. Muli akong ngumiti. Excited ako ngayon araw dahil ngayon namin susunduin si Gabriel. Nakahanda na ang lahat da

