C H A N Nakaupo lang ako rito sa harap ng hapag niya dito sa kusina dahil dito niya ako dinala matapos namin magbangayan sa sala kanina. Malapit narin kasi ang oras ng lunch kaya kakain na muna daw kami bago pumunta sa club. Inikot ang paningin ko upang tingnan ang kabuuan netong kusina niya. Hindi naman masyadong malaki na sakto lang para sa iisang tao o dalawa. Kumpleto rin sa gamit pang luto. Ang refrigerator naman niya ay parang kabinet na sa laki. Marami sigurong laman iyon? "Ano na magluto ka na?" Tiningnan ko siya tapos tinuro ko ang sarili ko. "Oo. Huwag mong sabihing hindi ka marunong?" Sabi pa nito na mukhang gulat na gulat nung tumango ako. "Nak ng putcha! Bakla ka ba talaga?" "Di porket hindi ako marunong magluto ay hindi na ako bakla. Kita naman kasi sa personality ko. S

