C H A N "So, Good morning everyone. This is Alexandra Williams, she is your new block mate. Please be good to her," bungad ng professor ng pumasok ito kasama 'yung ex-girlfriend ni Miguel, kung ex kang maituturing. "Bakit gan'yan ka makatingin sa kanya , Chan?" Tumingin ako rito. "Para mo s'yang papatayin kung tingnan mo, e." "S'ya 'yung ex-girlfriend ni Miguel," Ani ko kaya tumingin ito sa harap at nagulat s'ya kaya hindi 'to agad nakasagot. "Hi, Chan," Napatingin rin ako sa harap dahil nandito na pala si Alexandra sa harap namin ni Kitty. Ang inosente ng kan'yang mukha na parang walang gagawing masama kung titignan mo. Hindi ko rin alam kung bakit nakakaramdam ako ng inis sakanya? Sa katanuyan ay wala naman s'yang ginagawang masama sa akin, pero hindi ko maiwasang kabahan. "H-hello

