C H A N Nakangiti akong naglalakad sa hallway ng aming building papunta sa aming classroom nang makasalubong ko si Kitty. "Hoy, saan ka pupunta?" tanong nito na nakakunot ang kaniyang noo. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at nakasuot siya ng uniform at bitbit nito ang kaniyang bag. "Papasok? Bakit ikaw, ano'ng ginagawa mo rito sa labas?" tanong ko dahil malapit na magsimula ang klase, bakit nandito pa rin siya sa labas? Siguro ay makikipagkita na naman ito kay Mark. Nagkaayos lang silang dalawa at nabigyan lang ng supresa ay kung ano-anong kalandian na ang ginagawa. "Ayan ka naman! Minsan kasi mag-check ka rin ng messages mo, nag-text kaya ako." Kukunin ko na sana ang cellphone ko ngunit agad na niya akong hinila papaalis doon. "Wag mo na tignan, nandito na ako. Ako na magsasab

