C H A N "Ba't ganiyan ka na makatingin?!" Masama ko siyang tinignan. Kanina pa kami nakabalik sa puwesto namin dito sa restaurant. At hindi na nawawala ang tingin nito sa akin. Kung kanina ay ayaw niya akong tignan, pero ngayon ay hindi na nawawala ang tingin niya sa akin. Maging ang paghawak nito sa kamay ko. Malawak din ang kaniyang pagkakangiti na tila ba napakasaya niya sa araw na 'to. "I just couldn't help it," sagot niya. Umirapa ako at tumingin sa harapan kung nasaan sina Kitty at Mark na naglalandian din. Sinusubuan siya ni Mark ng pagkain at ang siraulong babaeng 'to ay parang bulate na binudburan ng asin. "Lalandi niyo!" sabi ko. Napatingin sila sa akin, lalo na si Kitty na masama na ang tingin. "Inggit ka ba?! Nasa tabi mo lang boyfriend mo naggaganyan ka pa!" Umirap s

