" Babe, pwedi naman natin ipagpaliban muna ang kasal," ani Lara ng makausap ang nobyo, sa cellphone. Limang araw na ang nakalipas mula ng mailibing di Michael. Inaalala niya na baka gusto pang mag muni-muni ni Marco.
" Alam kung masakit ang pagka wala niya, pero mas mahalaga sa akin ang kasal natin," tugon nito." Kaya gusto ko sana na puntahan mo ang boutique para maisukat mo na ang wedding gown," giit ng kasintahan.
Hindi na siya kumuntra pa rito, tinapos na niya ang kanilang pag-uusap para sundin ang sinabi ni Marco.
Palabas na siya ng gate ng makita niya ang sasakyan ni Anton, nakaparada sa labas.
Binaba nito ang bintana ng sasakyan ng makita siya, saka ngumiti sa kanya.
Nang gigigil siya, nang masilayan ang mukha nito nagmukha itong si satanas habang naka ngisi "Relax! it is best to keep your, enemy closer."
Naglakad siya palapit rito." What’s up Anton? Paano mo nalaman ang bahay namin?” nagtataka niyang tanong.
“ Lara, I need to talk to you,” sabi nito na seryuso ang mga mata naka tingin sa kanya.
" About what?"
" Pwedi ba dito tayo mag-usap sa loob ng kotse ko?" pakiusap nito.
Saglit siyang natigilan, minsan na siyang naka sakay nito noon at napapahamak siya," Never again Anton!" sigaw ng kanyang isipan.
" Pwedi ba dito nalang sa labas?Nagmama dali din kasi ako," aniya.
Tinangoan siya ni Anton, at mabilis na lumabas ng sasakyan.
" Ano ang dapat natin pag-usapan?" kunot-noo niyang tanong.
Tinanggal nito ang sout na sunglasses, at mariin siyang tinitigan, sa mata “ Lara, alam ko—“ tunog ng cellphone ang pumutol sasabihin pa sana nito.
Kinakabahan siya kung ano ang pakay nito sa kanya, i-investegahan ba siya sa pagkamatay ni Michael? May naka kita ba sa sa kanila? Mga bagay na gumulo sa kanyang isipan. Hindi niya inalis ang tingin rito habang may kausap pa ito sa cellphone.
“ Paparating naba?” narinig niyang sagot ni Anton, sa kausap na nasa kabilang linya.
“ Sige, uuwi na ako ng bahay,” sabi nito at agad na nagpaalam sa kausap.
“ Lara, sa susunod nalang tayo mag-usap, kailangan ko na kasi umuwi dahil may pinapadiliver sa address ko, importante daw 'yun, hindi pwedi maipagpaliban," baling nito sa kanya.
Nginitian niya ito" Anytime! Anton alam mo naman kung saan ako hanapin," sabi niya ng maka sakay ito sasakyan.
Bumusena na muna ito sa kanya bago umalis. Sinusundan niya ng tingin ang papalayong si Anton," Hindi pwedi mahuli mo ako Anton, nagsisimula pa lang ako," aniya na nag-iisip kung ano ang kanyang susunod na gagawin, lalo na malakas ang hinala ni Anton, sa kanya. Kailangan maunahan niya ang mga kalaban. Naisipan niyang hingin muli ang tulong ni Chesca.
Pinara niya ang taxi, na dumaan sa kanyang harapan para puntahan na muna ang sinabi ni Marco, tatawagan na lamang niya ang kaibigan.
“ Look who's here, what a small world!” ani Monica ng makita siya sa loob ng boutique.
Nilingon niya ito na nasa kanyang likuran“ Monica, please not now,” saad niya na muling binaling ang tingin sa gown.
“ Bakit, nahihiya ka bang may maka rinig na isa kang malandi? Mang a-agaw!” tinaasan nito ang boses, para sadyang iparinig sa dalawang costumers na naroon din sa loob.
"Don't make a scene Monica,” saway niya at tinalikuran itong muli. Naglakad siya palapit sa barong na naka hanger.
“ Wow! sa'yo pa talaga ng galing, ang salitang iyan, pagkatapos mong landiin si Marco," naka sunod nitong sabi sa kanya.
Na iirita na siya, inis na nilingon itong naka buntot sa kanya.” Alam mo, tigilan mo na iyang pagtawag-tawag sa akin ng ganyan dahil alam naman natin pareho na walang kayo ni Marco, hanggang kaibigan lang ang papel mo sa kanya, kaya wag mong sabihin nang agaw ako dahil wala akong inagaw," sabi niyang sinabayan ng pagtalikod rito.
Nang galaiti sa galit si Monica, sa ginawa niyang pagtalikod, marahas na hinablot nito ang kanyang balikat. Pinihit siya nitong paharap, at akmang sampalin pero maagap ang kanyang kamay na hinawakan nito ang palad sa ere.
"Pangatlo mo na'yan Monica, 'wag mo akong sagarin dahil baka pagsisihan mo ang gagawin ko sa iyo,” pabalibag niyang binitawan ang kamay nito.
At mabilis siyang tumalikod, para iwasan ito, ayaw niyang mapang-abot sila. Lalo na sa walang kwentang bagay.
“ You b*tch!” sabi nito na malakas siyang itinulak mula sa kanyang likuran, muntikan siyang mapasubsub sa sahig kung hindi siya naka tukod sa pader.
Nagdilim ang kanyang paningin sa galit, hindi na niya kayang magtimpi pa rito, walang pa sabi-sabi mabilis na hinablot niya ang buhok nito.
Kinaladkad niya ito papunta sa kalapit na basurahan. “ Sagad na sagad na ako sa'yo!” nang gigigil niyang sabi at tinanggal ang takip ng basurahan saka niya ninudnud ang mukha ni Monica roon.
“Diyan ka na babagay, kagaya ng bibig mo na puro basura ang lumalabas, spoiled brat!" singhal niya rito na malakas itinulak ang ulo sa loob ng basurahan. Naiinis siyang lumabas ng boutique. Himbis na umuwi siya, nagtuloy siya sa opisina ng kasintahan para mag man-man.
“ BABE, bakit ganyan ang mukha mo?” bungad ni Marco, sa kanya ng makita siyang pumasok sa opisina na nakasimangot.
“ Si Monica, kasi sinugod ako sa boutique," naka simangot niya pa rin sabi at naglakad palapit rito.
“ Pasensiyahan muna ang kamalditahan niya 'wag mo nalang pansinin,” sabi nito na tumayo para hagkan siya.
Tila naman naka hanap siya ng dahilan para lalong maging malapit ang loob nito sa kanya. Ipinulupot niya sa baywang nito ang kanyang dalawang braso, ” Baka maagaw ka niya sa akin,” aniya na ipinilig ang ulo sa dibdib nito.
Hinawakan ni Marco, ang kanyang pisngi at inangat paharap rito, ” That will never happend, you know how much I love you, and beside ikakasal na tayo," malambing nitong sabi.
Bigla niyang naalala ang sinabi ni Chesca, noon na baka kaya siya papakasalan para mapagbayaran nito ang kasalanan. At baka nga sinasakyan lang din siya ni Marco.
" Matira ang matibay na lang sa'tin dalawa Marco," sa kaloob-looban niya.
Minabuti niyang hintayin ang kasintahan at sumabay na rito umuwi. Nagbabaka sakali siyang may makalap na balita.
“ Babe, pwedi bang daanan muna natin si Anton, bago tayo dumeretso sa inyo?" sabi nito ng sumapit ang alas singko ng hapon.
" Kukunin ko lang yong blue print na hiniram niya," sabi nito na binuksan ang pintuan ng opisina, at pinauna siyang lumabas.
Nagdadalawang isip siya na sumama, pero inisip niya rin na baka magtataka pa ito sa kanya kung tatanggi siya," Sure!" aniya na nauna ng naglakad papunta sasakyan.
“ May ibabalita ako, darating pala ang kaibigan ko sa kasal natin, na i-confirm na niya,” masaya nitong pagbalita sa kanya, ng nasa loob na sila ng sasakyan.
" O, talaga? wow! na excited tuloy ako, hindi na ako makapag hintay na makita yang kaibigan mo na lagi mong bukang bibig," natatawa niyang sabi.
Pero sa kaibuturan ng puso niya, wala siyang pakialam kung darating ito o hindi.
" Oo, na kwento nga kita sa kanya," sabi nito.
Napa ngiti siya sa sinabi nito," Huhulaan ko ibinida mo na naman ako sa mga kaibigan mo," aniya na inirapan pa ito.
Saglit silang natahimik ng makarating na sila sa bahay ni Anton.
" Bakit kaya madilim?" ani Marco na bumaba ng sasakyan.
Tahimik lang siyang sumunod rito at hinayaan itong kumakatok sa pintuan ng bahay ni Anton. Nakaka ilang katok na si Marco, pero wala pa rin sumasagot.
“ Baka umalis," aniya.
" Hindi 'yun aalis ng hindi dala ang sasakyan,” ani Marco, nakatingin sasakyan ni Anton, na naka parada sa labas.
Hinawakan nito ang doorknob at sinubukan itulak pa bukas. Hindi nga ito nagkakamali ng bumukas ang pintuan. Tumambad sa kanila ang kadiliman at ang nakaka bingi na katahimikan.
Kinapa ni Marco, ang switch ng ilaw na nasa gilid ng pintuan, “ Anton, pumasok na kami," sabi ni Marco, na naglakad papasok sa loob.
Mula sa sala natanaw niyang bukas ang isang silid. Naglakad papunta roon si Marco, at nagpaiwan siya sa sala.
Napaigtad siya sa pagka gulat ng biglang sumigaw si Marco, matapos nitong sindihan ang ilaw sa loob ng silid.
“ Anton!" malakas na sigaw ni Marco.
" Sino ang may gawa nito sa'yo?" bulalas ni Marco, na agad dinaluhan ang kaibigan na duguan naka handusay sa sahig.