Susugod na sana ako nang makita kong pinagsasamantalahan na ni Sky ang katawan ko. Ang buong akala ko ay walang malay talaga si Nero at hindi nito magagawa na ipaglaban ang sarili. Napigil lamang ako nang makita ko ang senyas ni Nero sa akin. Nanlaki ang mata ko nang malaman kong may malay pala ang lalaki at kanina pa ito gising. Sa palagay ko ay nagpapanggap lang ang lalaki kanina pa. Hindi ko nahalata sapagkat masyadong okupado ang isip ko sa planong binuo ko kanina. Nanatili akong nakatitig lamang sa ginagawa nila. Pigil ang hininga ko sa ginagawa ni Nero ngayon. May kinuha itong bagay mula sa bulsa ng bestida niya. Nang maaninag ko iyon ay nakita kong isa iyong hiringgilya. Isang bagay na ginagamit kapag may itinuturok sa'yo. 'Yong makikita mo hospital. "Ahhhhh," mahinang sigaw ni Sk

