Kevin's POV (Kiro's Dad-Part2) Napatango-tango lamang si Reign sa sinabi ng asawa. Bakas rin sa mukha nito ang pag-alala. Nagpatuloy ako sa paghakbang. Lumabas ako sa main door ng kanilang mansyon. Patungo na ako sa sasakyan ko ng mapatigil muli at napalingon kay Justine. Nagkasalubong ang tingin namin ni Justine. “Bakit?” He asked when I looked back at him. “Pahiram motor,” saad ko. “Sige, dito!” Sinundan ko si Justine patungo sa garage ng mga motorsiklo niya. Bawat hakbang ay puno ng pagmamadali. “Tig-iisa na lang tayo nang makarating agad,” saad ni Justine at isa-isang kinuha ang mga nakasabit na susi sa isang glass cabinet. Isa-isa niya rin itong binato sa amin. Nang masalo ko ang susi ay pinindot ko ang button kasunod ng pagtunog ng isang motorsiklo. Patakbo ko iyong tinungo at

