Chapter 1

2329 Words
Chapter 1 Lee’s POV Sh*t! Bulong ko sa aking isipan. Napabalik ako ng upo sa couch sa loob ng VIP room ng A’choholic kung saan nag-iinuman kaming magbabarkada ng makaramdam ako ng pagkahilo. Kay bilis na inalalayan ako ni Ian. “Hey, are you okay?” He asked. Bakas ang pag-alala sa kanyang boses. Sinandal ko ang likod ko sa sandalan ng couch, nakapikit ang mga mata ko at dahan-dahan na tumango. “Do you want me to send you home-” “No! I’m good! Pahinga lang ako saglit,” saad ko sa kanya sabay sandal ng noo ko sa braso niya, nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang mainit na palad niya na marahang hinawakan ang pisngi ko. “Just tell me if you want to go home, ipagda-drive kita,” puno ng pag-aalalang saad niya. “Don’t worry ‘bout me Ian at isa pa you’re not my driver, Ian and I’m good. Kaya ko sarili ko, thank you for being so kind,” saad ko sa kanya. “What happened to you?” Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ng marinig ko ang boses ni Kiro, dalawa silang bestfriend ko, siya at itong sinasandalan ko ngayon, si Ian. Marami kaming magbabarkada ngunit silang dalawa ang pinakamalapit sa akin. Nag-angat ako ng tingin at tiningala si Kirong nakatayo sa harapan namin ni Ian. May bitbit siyang bote ng beer sa kanang kamay niya. Namumungay ang mga mata kong napatitig sa gwapong mukha ni Kiro, d*mn! Hindi kailanman ako magsasawang titigan siya. Oo, inaamin ko, sa lahat ng barkada siya yung pinakabet ko. Badboy, astig, may sense of humor kausap yung hindi ka mabo-bored, tapus matalino pa lalo sa Math. Aside sa gwapo at sobrang hot niya pa, galing din niyang kumanta, mag-gitara at sumayaw. Lahat ng gusto kong katangian sa isang lalaki ay nasa kanya niya kaso ang dami ring nagkakagusto niya kanya at gaya ng iba kong mga barkadang lalaki, matinik rin sa chicks, kung sino-sino lang rin tinitira basta bet. I have had a crush on him since fifth grade. Hindi niya iyon napapansin dahil kaibigan lang naman ang tingin niya sa akin. Nanatiling sekreto ang pagkakagusto ko sa kanya na kahit kanino man ay wala akong pinagsabihan kahit sa mga barkada kong babae. Takot na baka hindi nila mapigilan ang mga sarili at masabi kay Kiro ang lihim kong pagkagusto dito. “Nothing, bakit?” Saad ko. “Nahihilo ka na? Do you want me to drive you home?” Napakunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. “Bakit gustong-gusto niyo na agad akong pauwiin dalawa, ha? Dahil ba hindi kayo makakapang-chicks kapag narito ako? Shuta kayo!” I pouted my lips. Tila nagtatampo. Sabay naman na natawa ang dalawa. “We’re just concerned, Lee,” saad ni Ian. “Alam mo na nilalagnat kami kapag ‘di kami naka-ah-ah,” saad naman ni Kiro. Natawa ako ngunit sa loob-loob ko’y lihim akong nasaktan. Kailan niya kaya ako makikita hindi bilang isang kaibigan kung hindi bilang isang babae? Hindi bilang paraosan kung hindi bilang mamahalin niya, yung wife material, yung panghabang-buhay? Asa ka pa, Lee! Kastigo ko sa aking sarili. Siguro kung hindi nila ako naging kaibigan ay isa na ako sa mga babaeng naikama niya na. Mapait akong ngumiti. “Anong kami? Nandamay pa ‘to! Good boy ako!” Reklamo ni Ian. "Good boy pero palihim na tumitira." Bara sa kanya ni Kiro. I rolled my eyes. “You can go! Both of you! I can go home alone, no! I can drive myself home! Minsan nga 'di ba ako pa tiga drive niyo, mga gago kayo!” Saad ko sa kanila. Bigla akong tumayo upang iwan sana silang dalawa at sumunod sa ibang tropa naming sumasayaw na sa dance floor ngunit muli ay nakaramdam ako ng hilo, I lose my balance. Naging mabilis ang mga kilos ni Kiro, napayakap ang dalawa niyang braso sa akin, napasubsub naman ang mukha ko sa dibdib niya. “D*mn you smell so f*cking good, dude,” wala sa sariling naibulalas ko. Napayakap na rin ako sa kanya dahil pakiramdam ko matutumba na ako. Umiikot talaga ang mundo ko. “Bro, can you hold my beer, please. I’ll send her home na lamang,” rinig kong saad ni Kiro. Hindi na ako pumalag pa, at least, maso-solo ko na naman siya. “Ako na, bro. Dito ka na lang, ako na maghahatid.” Ian insisted. Naku naman! Ian wag ka nang umepal saad ko sa aking sarili. “Ikaw maghahatid tapos ‘di ka na babalik? Wag na, hoy! Ako na! Balik agad ako,” lihim akong napangiti sa sinabi ni Kiro. “Sama na lamang, ako,” insist pa rin ni Ian. “Ayoko nga! Magkapitbahay lang kayo, babalik ka pa, nasa condo mo na ikaw? Sino niloloko mo? Maghintay ka rito, babalik agad ako. Sabay tayong hahanap ng ka ah-ah-aray naman, Lee!” Impit nito ng kagatin ko ang dibdib niya. “Gago ka, idadamay mo si Ian sa kabulastugan mo,” saad ko. “Shuta ka! Ang sakit- aray naman! ‘Tong babaeng ‘to,” muli ay impit niya ng muling kagatin ko siya. “Minumura mo ko?” Saad ko. “Tama na! Last na yun, masakit na,” hindi ko na inulit dahil mukhang nasasaktan na nga dahil biglang sumeryoso ang tinig. “Tol, sabihin mo na lang sa tropa balik ako agad, hatid ko lang, ‘to,” muli ay saad nito nanatili kaming magkayakap sa isa’t-isa. “Sige, tol. Ingat sa pagmaneho,” saad ni Ian. Pinangko ako ni Kiro. Agad ko namang inikot ang mga braso sa leeg niya at tinago ang mukha ko sa dibdib niya, pinikit ko ang aking mga mata. “Oh, ano nangyari dyan?” Rinig kong tanong ni Rain ng makasalubong namin sila sa hagdanan. “Lasing na, iuuwi ko lang,” sagot ni Kiro. “Lalayas ka na?” Tanong naman ni Zap. “Babalik ako, hanap pa akong ka-ah-ah,” natatawang sagot ni Kiro na nagpairap naman sa akin. “Gago!” Mura sa kanya ni Zap. “Oy! Ano ba yan, napaka-weak! Lasing agad,” it was Thirdy. “Shut up, Theodore! Pisot!” banat ko kay Thirdy ngunit nanatiling nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Kiro. “Aba-” “Mauna na kami! Dyan na kayo,” ni ‘di pinatapos ni Kiro si Thirdy at nagpatuloy sa paghakbang hanggang palabas ng A’choholic. Saglit niya kong binaba ng marating namin ang gilid ng sasaktan niya ngunit nanatiling nakaalalay siya sa akin. Binuksan nito ang passenger seat at muling binuhat niya ako papasok sa loob ng sasakyan. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko dahil mas lalo akong nahihilo kapag binubuka ko ito. Shuta! Gaano ba karami ang nainom ko at ganito na lamang ako ka lasing ngunit ng maramdaman ko ang mainit na buga ng kanyang hininga malapit sa pisngi ko’y, unti-unti kong minulat ang mga mata, nakita kong kay lapit lamang ng mukha niya sa akin habang inaayos ang seatbelt ko, natutukso akong halikan siya, ngunit kulang ang lakas ng loob ko hanggang sa natapos niyang isuot ang seatbelt ko ay hindi ako naglakas loob na gawin ang nasa-isip. Muli’y pinikit ko ang mga mata ko ng binuksan nito ang driverseat at umupo. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang pagbuhat niya ng makina at ang dahan-dahang pag-usad ng sasakyan niya. “Kiro, may tanong ako,” saad kong nanatiling nakapikit ang mga mata ko. “Go, ahead,” pati speaking voice niya napakagwapo pakinggan. Bahagya kong minulat ang mga mata at tinignan niya. “Masarap ba talaga ang s*x?” Narinig kong bahagya siyang natawa, napasulyap siya sa akin, aliw ang mga mata niyang tinignan ako. “Matulog ka na, lasing ka na, kung ano-ano ng naiisip mo dyan,” saad nito at binalik ang tingin sa kalsada. “Sagutin mo,” pamimilit ko. “Ayoko,” tanging tugon nito. “Okay. Magjowa na lamang ako, tetesting ako-KIRO!” napasigaw ako ng bigla siyang napapreno. Kay lakas rin ng busina sa kotseng kasunod ng sasakyan niya. Napalingon ako kay Kiro, biglang umigting ang panga niya sa narinig. Napalingon ito sa katabing bintana niya ng kahit na nilagpasan siya ng kotseng kasunod namin ay kay lakas pa rin ang pagbusina nito. May sinisigaw pa ito na hindi na namin marinig hanggang sa tuluyang lagpasan kami ng kotse. “Gago ka ba!?” Nainis yata ito sa sinabi ko. Muli nitong binuhay ang makina at pinaandar. “Why? If that’s the only way I would know what it tastes like,” ani ko. “Hindi masarap! Masakit, kaya wag mo ng subukan,” inis na aniya. “Then, bakit niyo binabalik-balikan?” “Lalaki kami, Lee. It satisfied us. Babae ka, magkaiba yun! You should only surrender your virginity sa taong mahal mo lang at hindi para tumesting lang,” saad niyang may diin. Napalingon ako sa may bintana ng buksan niya ito. Kinuha niya ang pack ng sigarilyo sa dashboard at sinindihan iyon. Humithit siya mula rito sabay buga ng usok sa gawi ng nakabukas na bintana. Inipit niya ang sigarilyo sa dalawang daliri niya na baghayang nakalabas. Isang kamay na lamang ang gamit niya sa pagmanuever ng manibela, just a simple gesture, pero t*ngina kay lakas ng dating para sa akin. “How did you know I’m still a virgin?” Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa ulo ko’t ganito na lamang ang mga tanong ko. Ewan, iba na kasi nararamdaman ng katawan ko. I feel like I want to flirt with him. Hindi ko lang alam kung nahahalata ba niya. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng gilid ng kanyang labi. Muli ay hinithit nito ang hawak na sigarilyo sa kaliwang daliri. “The f*ck, you’re asking how s*x taste like, malamang wala ka pang karanasan at isa pa, never did I remember na nagkajow ka,” saad nito. “Nagagandahan ka sa akin?” Nagsalubong ang mga kilay niya at bahagya niya akong sinulyapan. “Oo. Maganda ka,” walang pag-aalinlangan niyang sagot. Ang mga mata’y nakatuon na sa kalsada. “Do you find me sexy and hot?” Muli ay tanong ko sa kanya. “Oo,” muli ay walang pag-aalinlangan niyang sagot. “Do you find me attractive?” “Yes Lee, you are,” mabilis niyang sagot muli. “If ever we’re not best friend at nakilala mo ko sa A’choholic pasado ba ako sa gusto mong maikama?” Kay riin ng pagkakatitig ko sa kanya. Ni ang paglunok at paggalaw ng adam’s apple niya’y ‘di nakaligtas sa paninitig ko sa kanya. Bahagya siyang ngumiti, yung ngiting nakakapugtong hininga. Muli ay hinithit niya ang sigarilyo sabay buga sa nakabukas na bintana sa tabi niya. Naghihintay ako sa sagot niya. “We’re here,” ay imbes na saad niya. Tinapon nito ang sigarilyo sa labas ng kotse niya. Inikot nito ang manibela, mula sa lalamunan niya’y bumaba ang mga tingin ko sa braso niyang maugat habang minmaniubra ang steering wheel ng sasakyan niya. Ilang saglit lang ay nakaparada na ang sasakyan sa parking lot ng condominium building ko. Pinatay ito ang makina at binuksan ang diver seat. Nakalimutan na yata niya ang tanong ko. Kung hindi lamang ako lasing siguro’y nilamon na akong ng hiya ngunit umiikot pa rin ang mundo ko kaya rin siguro nagkalakas ng loob akong sabihin iyon sa kanya. Umikot siya sa driver seat. Pinagbuksan niya ako. He wanted to carry me again, but I refused. “I’m good, I can walk,” saad ko sa kanya. Inalalayan na lamang niya akong bumaba ng kotse. Sinubukan kong humakbang ngunit shuta! Nahihilo talaga ako kaya muling kinarga na lamang ako ni Kiro. ‘Di na ako pumalag at muling inikot ko na lamang ang mga braso sa leeg niya. Muling pinikit ko ang mga mata at sinubsob ang mga mukha sa dibdib niya. Sumakay kami ng elevator. Mabilis lang namin narating ang floor ng unit ko. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad siyang humakbang palabas. Binagtas niya ang hallway na karga-karga ako. Saglit lang at naramdaman ko na agad ang paghinto nito. Huminto siya sa harapan ng pintuan ng unit ko. Bahagya niya kong binaba. Tumayo ako. Niyakap niya ako gamit ang isa niyang braso, mabilis ko namang inikot ang mga braso ko sa katawan niya. Muli kong naramdaman ang pagkakalapat ng mainit niyang katawan sa katawan ko. Pinindot niya ang passcode ko at nang makarinig ng beep ay agad niyang pinihit ang doorknob. Bahagya niyang tinulak ang pinto upang buksan ito. Inalalayan niya ako papasok habang nanatiling magkayakap kami sa isa’t-isa. Sinarado niya ang pintuan. Muntikan pa kaming matumbang dalawa ng sinubukan kong kumawala mula sa pagkakayakap sa kanya at humakbang ngunit t*angina, natutumba talaga ako. Tila ba’y walang lakas ang mga tuhod at binti ko. Muli na lamang niya akong pinangko. Muli ay humakbang siya patungo sa kwarto ko hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa kama. Ninanais na talaga ng mga mata kong pumikit ng tuluyan ngunit yung nararamdaman ng katawan ko ayaw papatalo. Nang-ibaba niya ako sa kama ay napasubsub siya sa akin dahil humigpit ang pagkakayakap ko sa leeg niya. “Lee…” Yung pagtawag niya sa pangalan ko ngayon, it was different than the usual. I felt something wobbled inside my belly lalo at muli kong naramdaman ang init ng hininga niya sa pisngi ko. Naramdaman ko ang mga palad niyang hinawakan ang magkabilang braso ko upang tanggalin ito ngunit mas lalo ko lamang itong hinigpitan sabay hila sa kanya sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata, kay riin na ng pagkakatitig niya sa akin, bakas ang pagpipigil sa mga mata niya, kita ko ang pagdilim nito. Naramdaman ko rin ang paglakas ng sipa n puso niya. “Ayaw mo bang tumesting sa akin? How about f*ck buddy?” I teased him. “F*ck!” Napapikit ito sabay mura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD