"Hay naman. Nasaan kaya ‘yon?" naiirita ko nang sabi. No choice ako. Hindi na ata kami makapupunta sa dinner nila Thea, nako naman. Bumaba na nga ako at dumiretso sa Guard. "Excuse me, Kuya," tawag ko rito. "Yes po, Ma'am Ada?" "Have you seen Mr. Sevilla po?" I asked. English din kasi ang mga Guard. "Yes, Ma'am. I saw him a while ago. I think he already went home, Ma'am," sabi ng Guard na kinagulat ko naman. "What?!" gulat kong tanong dito. Syempre hindi naman siya nagsabi sa akin eh. Bakit naman gano’n ‘di ba? "Yes, Ma'am,” ulit ng Guard sa akin. Hindi na ako sumagot. Lumabas na ako ng Hotel at nagpara ng taxi. "Manong, sa Juan Luna po tayo," sabi ko. Doon kasi nakatira ngayon si Frolic kaya ro’n ko siya pupuntahan. Baka nand

