FROLIC'S POV Gusto ko mang makausap pa si Adarina ay hindi ko na ginawa muna. Hindi ko na muna ito sinundan sa elevator dahil baka hindi lang maging maganda ang mangyari sa amin kaya naman hinayaan ko na lang siyang mauna sa opisina niya. Alam ko naman kasing mainit pa masyado ang mood niya dahil nga sa nagalit ako kanina sa kanya. Oo, nagalit ako. Nagalit ako sa nalaman ko na ang Dark na iyon ang artist na sinasabi sa kanya ni Mr. Salazar. Alam ko naman na hindi dapat ako makaramdam nang pagseselos, pero hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit nararamdaman ko ito. Hindi ko naman dapat isipin na kakumpitensya ko ang lalaking iyon pagdating kay Ada dahil kasintahan naman siya ni Thea, pero bakit ganito na lamang kung mag-react ako? Hindi ko alam.

