Chapter 34 Sandaling natahimik si Noven saka huminga nang malalim. Kanina pa ako kinakabahan sa kanyang sasabihin at tila natatakot akong marinig kung ano man iyon. "Noven, sino si Amber? Siya ba ang gustong ipakasal sa'yo ng iyong ama?" galit na saad ko saka tumayo at lumayo mula sa kanya. "Ang sakit hah," saad ko at nangilid ang luha sa gilid ng aking mata. Tumalikod ako para hindi niya ako makita sa ganoong sitwasyon. "Oo, hindi kasing yaman ng pamilya mo ang pamilya ko. Huwag naman sanang ipamukha ng papa mo sa akin iyon kasi masakit eh. Parang kayo-kayo lang na mayayaman ang may karapatang magmahalan," mapait na sabi ko. "What are you saying," nagtatakang tanong niya at narinig ko ang yabag niya habang papalapit sa akin. "Hey, look at me," wika niya saka tinaas ang chin ko. Sum

