Chapter 25 Halos tawagin ko na ang lahat ng makapangyarihang nilalang para lang iligtas ako mula sa ama ni Noven. Kaya naman pala nagawang dukutin ako ni Noven noon at pinunta sa kanilang villa dahil may pinagmanahan siya. "Close their home but before that, make sure to leave a letter for her parents to know that she is safe," saad nito at tumango ang isang body guard saka may kinuha sa kotse. Sinakay ako sa kotse at laking pasasalamat ko dahil hindi naman ako ginapos o piniringan. "What is your name?" tanong sa akin ng kanyang ama na nakahalukipkip sa aking tabi. Seryoso ito at diretso ang tingin sa harap. Hindi ko tuloy alam kung ako ang kausap niya. "L-lanielle po," kinakabahang sagot ko. "My son is so stubborn. Why are you still dating him?" Tila nasa confession room kami at a

