Chapter 15 "Open this, Lanielle. Let's talk about this," aniya gamit ang seryosong boses ngunit mahihimigan ang pagmamakaawa sa likod nito. Kinalma ko ang sarili at nagbilang muna ng hanggang sampu. Pagkatapos ay binuksan ko ang pinto at pinagkrus ko ang braso sa aking dibdib. "Anong kailangan mo?" malamig na tanong ko. Ang mga mata niya ay lumamlam. "Let's talk, Lan." "Okay," saad ko at isinandal ko ang katawan sa pinto hudyat na makikinig ako pero hindi siya papapasukin. "I want it in private." Tinaas ko ang isang kilay. "Ikaw pa ang demanding gayong ikaw ang may kailangan. Ang kapal talaga." "I just have to clarify things and fix this mess." Hinawakan niya ang kamay ko. Sandaling lumambot na naman ang puso ko sa ginawa niyang iyon kaya pinapasok ko na lamang siya sa loob ng ba

