Zyra * * " Hindi mo naman tinanggap ang posesyon sa organization bakit ang dami mong kalaban?" Tanong ko Panay ang sipat ko sa nakasunod na kotse 30 minutes nang nakasunod saamin ang nasabing sasakyan. " Ah yan! Kaaway sa business. Ang iba naman padala ng pinsan ko. magsasawa din ang mga yan huwag mo nalang pansinin. " Baliwala na tugon ni Sir Leo Nasipat ko na bigla nalang tumigil sa pagsunod ang kotse " Sabi ko sayo! Hindi naman nila ako papatayin. Karamihan sa mga yan tauhan ni Kenzo at Jalel. mag-bayaw ang dalawa kaya nakasunod ang ibang tauhan nila saakin masanay kana. Paminsan-minsan may kaaway sa business o kaya naman kaaway sa babae." Paliwanag niya " 30 kana kilan ka mag 31? Sa susunod na buwan 20 narin ako. Matanda kana wala kang pang Asawa at anak. Ano Plano mo sa buh

