Tumayo si Calla at dumireto papasok sa loob ng silid na nakabukas. "Calla, kwarto ko 'yan." Dinig n'yang sabi ni Camella na nakasunod sa kaniya. Tumigil si Calla sa bucana ng pintuan at humarap kay Camille. "Kwarto mo? This actually is my room." Walang ngiting sabi n'ya rito kaya napatigil ito. "Pasensya na.... " saad nito pero hindi na ito binalingan ni Calla *"Akala ko hindi nakakaintindi ng english ang isang 'to, nakakaintindi naman pala."* "Nasaan ang gamit ko? Itinapon na ba?" Pagtatanong n'ya rito. Nanlaki ang mga mata ni Camille sa tanong n'ya. Itinuro nito ang gilid ng malaking built-in closet. "A-ang gamit mo, nasa gilid inilagay ni mama. Hindi ko naman pinakialaman." Tiningnan ni Calla ang maleta n'ya na nasa gilid. Napa-smirk s'ya sa lihim. She really couldn't

