Habang nasa byahe ay kanina pa ramdam ni Calla na nasa hindi maganda ang atmosphere nilang dalawa ng binata sa loob ng sasakyan. Kanina pa ito walang imik at kahit na anong salita ay hindi lumabas sa bibig nito. "Is there something wrong?" Pagbasag n'ya sa katahimikan na namayani sa kanilang dalawa. Seryosong-seryoso ang mukha nitong nakatuon sa daan. Binabaybay nila ang daan papunta sa apartment nito at hindi sa kung saan s'ya nakatira. Well, she was spending and staying more of the time at Arthus' apartment that their hotel. "Nothing." Umiiling na sagot ng binata kaya naningkit ang mga mata ng dalaga. "You know this silence is never nothing right?" Narinig n'yang bumuntong-hininga ito pero hindi nagsalita hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng apartment nito. Hindi gumala

