SIENNA POV
Akala ko magiging maayos ako ngayong gabi. Pero habang binabagtas ko ang highway sakay ng aking kotse patungo sa The Lounge, nagsimulang maglaro sa aking isipan ang lahat ng magagandang ala-ala namin ni Paulo.
We've known each other since first year of college. Pero magkaiba kami ng kurso. Nasa Department ako ng Applied Economics and Data Analytics habang siya ay nasa Communications and Public Relations. Parehas kaming nagho-hold ng magandang reputation sa aming University kaya naman lagi kaming nagkakaroon ng engagement sa mga academic related activities.
Matapos ang aming college graduation, akala ko hindi ko na siya makikita. But fate lead us to work under the same company, in the same floor. At doon na tuluyang nagsimula ang lahat-lahat sa pagitan naming dalawa. Matapos ang isang taon namin bilang opisyal na magkasintahan, nagdesisyon kaming magsama na sa isang bubong, sa condo ko.
Naglaro sa isipan ko ang imahe ni Paulo noong mga panahon na mahal na mahal niya pa ako. Gusto kong magsumbong sa bersyon niyang iyon.
'Paano mo nagawa ang lahat ng ito sa akin?' The question I've been asking for quite some time.
Unti-unting nanlabo ang aking mga mata. Bumuhos ang mainit na luha sa magkabila kong pisngi. My heart mourns for our good memories and for what we could've been if he didn't cheated on me.
—
Inayos ko muna ang aking sarili bago ako tuluyang bumaba sa aking kotse. Pinahid ko ang mga natuyong luha sa aking magkabilang pisngi.
Tumambad sa akin ang dalawang malaking pintuan na gawa sa bakal. Walang kahit anong signage ang The Lounge. Kung titingnan ito ng normal na tao sa labas ay magmimistulang private property lamang ito sa persepsyon nila.
Pagtapat ko sa mismong pintuan ay kusang bumukas iyon. Pumasok ako sa loob at kaagad ding sumara ang pinto sa aking likuran. Nawala ang ingay na nagmumula sa labas at kaagad iyong napalitan ng tunog ng elektronika at nag-uumpugang mga baso. Sapat lamang ang lakas ng jazz para lamunin ang bawat usapan sa paligid, pero sapat din ang hina niyon para magkaroon ng mga intimong pag-uusap.
Ang The Lounge ay isang high-end bar para lamang sa mga elitista. Simula sa ninuno patungo sa kaapu-apuhan ng mga elististang pamilya sa Pilipinas ay naka-rehistro dito. May high-tech sensor ang entrance door at dahil rehistrado ang aking biometrics at facial recognition, kaya naman bumukas iyon ng ma-sense ako ng system.
Ang rule sa lugar na ito— "No Status Rule". Oras na nasa loob ka na, pantay-pantay na kayong lahat ng naririto. Walang nag-uusap dito ng tungkol sa trabaho. At kung anong mangyari, makita o marinig dito sa loob ay hindi dinadala sa labas. This place is solely for fun and relaxation.
Dark ang ambience ng lugar. Tanging mga kumukutitap na wall sconce at mga lamparang kulay-amber lamang ang nagbibigay ng liwanag dito. Kaya naman natatakpan na ng anino ang bawat mukha ng mga tao dito.
Malalanghap sa paligid ang nakakalasing at sopistikadang timpla ng mamahaling aged whiskey, sunog na tabako, at halo-halong high-end perfumes.
Dumiretso ako sa bar. Naupo ako sa mataas na stool sa mismong harap ng bar counter.
"What can I get you, Miss Valderama?" Nakangiting tanong sa akin ni Justin na nasa loob ng counter.
"Can I please get a half-ounce pour of Louis XIII neat?" Saad ko kay Justin. Isa siya sa mga bartender.
"As you wish, Miss Valderama." At saka tumalikod na siya sa akin upang ihanda ang order ko.
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking trouser. Tinawagan ko sa messenger ang aking bff na nag-upgrade sa pagiging sister in law ko. Nakaka-isang ring palang pero kaagad ng nasagot ni Layla ang tawag ko.
"Wait! Tama ba ang nadidinig ko? That familiar JAZZ?! On your anniversary with that ASSHOLE?!!!" Exaggerated na bungad niya sa kabilang linya.
Natawa ako habang naiiyak at the same time.
"Hindi mo siya tinatawag ng ganyan dati," pabirong komento ko. Pilit kong pinapanatag ang boses ko.
I can see Layla rolling her eyes at the other line. "Well, thankfully! Sa wakas ay matatawag ko na siyang ganyan," mataray niyang saad sa akin.
Tahimik na inilapag ni Justin ang baso ng alak sa harapan ko.
"Wala na kami."
"And? That news was supposed to be years ago."
"We loved each other at some point," depensa ko. Tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha.
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Layla sa kabilang linya. "Gets naman kita. But— you should stop holding on those memories. Alam ko naman na wala ka ng nararamdaman sa lalaking yun. Alam kong naka-move on ka na matagal na kahit kayo pa. Ikaw kasi! Nanghihinayang ka pa at pilit kang kumakapit sa ala-ala ng mga pinagsamahan niyo. Those were meant to only stay there, in your both past," mahabang litanya niya sa akin.
Natahimik ako. Tama si Layla sa lahat ng sinabi niya sa akin.
"He was your first love kaya akala mo siya lang ang lalaki para sayo. Get a LOVE LIFE, Bea. Lumandi ka! Mayroong isang lalaki na mas hihigitan pa ang magagandang memories niyo ni Paulo. Na masasabi mong— ito talaga yung first love mo at hindi ang bersyon niyo ni Paulo," dagdag pa ni Layla.
Inisahang lagok ko ang alak sa aking baso. Humagod ang init niyon sa aking lalamunan pababa sa aking dibdib. Hindi ako yung klase ng tao na mahilig uminom ng alak dahil mababa ang alcohol tolerance ko. Kaya ganito lang kaunti ang in-order ko. Sapat para bigyan ako ng lakas ng loob.
"You're right! I will get a man tonight," desididong saad ko.
Humalakhak si Layla. "That's the spirit, girl!"
Maya-maya ay nagpaalam na din sa akin si Layla dahil nagising na ang anim na buwan niyang baby.
Tumayo na din ako mula sa pagkakaupo ko sa stool. Balak kong umalis na din at mag-book nalang ng hotel dahil ayokong maabutan si Paulo sa condo ko. Matutulog nalang ako. Isang hopeless thinking ko lang ang huling sinabi ko kay Layla. Wala naman akong mahahanap na lalaki dito na papatol sa akin. Napabusangot ako sa isiping iyon.
Habang naglalakad ako palayo sa bar counter ay nararamdaman ko na ang bahagyang epekto sa akin ng alak. Masarap sa pakiramdam.
And suddenly, something caught my attention. Isang pares ng grey na mga mata na tila hinihila ako para lumapit sa may-ari niyon. Pero sa halip na magpatuloy ako sa paglalakad ay napahinto ako nang dahan-dahang naglakad papalapit sa direksyon ko ang may-ari ng mga matang iyon.
Huminto sa harapan ko ang isang matangkad na lalaki. Halos matabunan na niya ang buong pigura ko. Isang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha namin ng yumuko siya sa akin at tumingala ako sa kanya. Sakto ang liwanag ng ilaw sa kanyang napakagwapong mukha. Nagtagpo ang aming mga mata. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"God, I can't take my eyes off you," namamaos na bulong niya sa akin.