SANTILLIAN SERIES "Unseen Love" [Gabrielle Santillian] DALAWANG buwan mula ng ikasal sila ni Gabrielle, tatlong buwan din n'yang naranasan ang hagupit at lupit ng paghihigante nito sa kanya. Pero kahit kailan hindi s'ya sumusuko, alam n'yang mamahalin din s'ya ng asawa n'ya at patuloy n'yang pagsisilbihan at paglilingkuran eto sa kabila ng pinapakita sa kanya at trato ni Gabrielle. Maaring tawagin s'yang Martir ng ilan, at tinatawag naman s'yang manhid ng iba, ang ilan tinatawag naman s'yang sira na ang ulo. Kung anu-ano na nga ang titulo n'ya sa mga kaibigan n'ya. Pero sa kabila ng lahat walang pagbabago, mahal n'ya pa rin si Gabrielle at habang tumatagal mas minamahal n'ya eto. Kahit pa sabihing mas malamig pa sa nagbabagang usok ng yelo ang pakikitungo nito sa kanya. Hind

