PROLOGUE

1988 Words
SANTILLIAN SERIES "Unseen Love" [Gabrielle Santillian]         Nagmamadaling tumakbo si Brice papalabas nang kanilang bahay, nangako kase s'yang pagkatapos nang tanghalian agad s'yang pupunta kina Gabrielle.. Nakasunod naman ang kanyang yaya para alalayan eto..   "Bye Mommy! " sigaw pa ni Brice..   "Bye Baby.. Be careful.." pahabol pa nang kanyang ina..   Wala pang limang minuto nasa bakuran na s'ya nang mga Santillian..   "Hello Auntie! Asaan po si Gabrielle?" tanong nang limang na taong gulang si Brice sa Mama ni Gabrielle..   "His in he's room iha.. " di pa man tapos ang Ginang magsalita tumakbo na si Brice..   "Be careful iha.."  At napa ngiti naman eto nang makita ang yaya ni Brice..   Agad na binuksan ni Brice ang kwarto ni Gabrielle.. Alam n'ya kung saan ang silid ni Gabrielle magkakatabi lang ang kwarto ng triplets at bawat pintuan ng silid ng mga eto ay may malaking name tag sa harap.   "Ang tagal mo naman, ngayon lang ba kayo natapos mag-lunch? " Tanong nang Pitong taong gulang na si Gabrielle..   "Oo Gabrielle eh.. Bakit namiss mo ko agad?" Pagbibiro naman ni Brice..   "Oo kaya.. Halika dali may papakita ako sa'yo.." Anyaya ni Gabrielle sa tabi nang tent sa loob nang kanyang silid..   "May ipapakita? As if naman makikita n'ya.." Sagot ni Brice sabay tawa nang mahina..   "Naku ikaw ha.. Ikaw na nga lang ang kaibigan kung pinagkakatiwalaan, ginaganyan mo pa ako.." Tampo naman nang batang si Gabrielle..   "Ikaw naman, I'm just joking Gabrielle.. Ano ba yang ipapakita mo sa'kin?" tanong ni Brice sabay lapit naman sa kalaro n'ya.     Nang maramdaman ni Gabrielle na nasa tabi na nya si Brice kiuha nitu ang isang malaking plastik bag.. At inabot iyon kay Brice..   "Take this, and open.. I hope you would like It.." wika pa ni Gabrielle..   Binuksan naman nang batang si Brice ang plastik na inabot sa kanya.. Mga bagong laruan ang laman niyon.. At may mga doll din.   "Wow.. Auntie Hailey buy this for me?" tanong ni Brice, na sagad sa tuwa dahil a kanyang nakita..   "Syempre no.. I told Mommy to buy this para makapaglaro tayo nang bahay-bahayan.." sagot naman ni Gabrielle..   "Okay.. So can we start now?" tanong ni Brice at binuksan na nitu ang mga laruan.. There is a doll also, this is our baby.. You are Daddy and I'm the Mommy of this doll okay?" sagot pa ni Brice..   "Okay Brice. So what's the name of our baby? "Si Gabrielle..   "Hhhmm.. I think Angel.. Do you like the name of our baby?" tanong ni Brice..   "Why angel.. I like Spider man, that was the name of our baby.." sagot ni Gabrielle..   "But Gabrielle this is girl doll, not boy.." paliwanag naman ni Brice dahil di naman nakikita ni Gabrielle ang doll na sinabi ni Brice..   "No problem. We must do a baby boy name Spider man okay..?" si Gabrielle naman na pinipilit pa rin ang gusto..   Natawa nalang ang dalawang yaya na nakamasid sa naglalarong Brice at Gabrielle.. Nang di nakatiis si Brice tinanong nitu ang yaya nya kung paano gumawa nang baby boy..   "Teka Brice bakit ako ang tinatanong mo, try to ask your Mommy.. Di pa ako marunong gumawa nang baby.." sagot naman nang Yaya ni Brice..   Matapos iyon nagkatawan muli ang dalawang yaya sa tanong ni Brice. Kapwa matalino ang dalawang bata, si Gabrielle nag-aaral din eto sa isang blind School kasama ang kapwa nyang may kapansanan..   ****     Palagi silang ganito ni Gabrielle silang dalawa lang kontento na at wala nang pakialam sa iba pang kapwa bata. They are bestfriend sabi nila sa isa't-isa.. At kahit di makasama ni Gabrielle ang kanyang mga kapatid masaya na ang mga eto, may sariling mundo din kase ang dalawa nyang mga kakambal.   "Brice can I ask something?" si Gabrielle na mukha talagang seryoso ang itatanong nitu sa kaibigan..   "What was that?" tanong naman ni Brice..   "When we grow, do you think there's a chance that we became more than a friend, like Mom and Dad..?" kumunot naman ang noo ni Brice sa tanong ni Gabrielle..   "You mean boyfriend and girlfriend? " tanong ni Brice muli..   "Bakit mo alam yan?" napalingon naman si Gabrielle sa side ni Brice..   "Syempre kase naman, palagi kung naririnig si Yaya she's talking with her boyfriend.." sagot ni Brice..   "Hhhmm.. What do you think do we have a chance? Or should I ask do you want me to be your boyfriend or just a bestfriend..?" tanong ni Gabrielle..   Then suddenly Brice laugh in front of Gabrielle.. Dahil sa inis ni Gabrielle dahil pinagtawanan s'ya nang kanyang kaibigan, tumayo eto at hahakbang papalayo hawak ang tungkod..   "Gabrielle wait.. Okay sige na sasagutin na kita.." wika naman ni Brice..   "What? Hindi pa nga ako nanliligaw sasagutin mo na agad ako..?" si Brice naman ang nainis sa sinabi nang kababata.. Tumahimik nalang eto at di nagsalita..   Sa di kalayuan ang dalawang yaya naman nina Brice at Gabrielle lihim na kinikilig sa mga batang alaga nila. Kung titingnan kase ang mga eto at kung magsalita akala mo mga nasa tamang edad na, eh samantalang si Brice umiinom pa rin nang gatas..   "Galit ka nanaman, I know you kapag tahimik ka ibig sabihin galit ka nanaman sa'kin.. But for me Brice kahit hindi kita nakikita, ikaw ang bestfriend ko, and in time ikaw ang babaeng pakakasalan ko.. Gusto kase kita. Kase tanggap mo ako kahit na bulag ako.." wika ni Gabrielle..   Tahimik pa rin si Brice at lihim namang tinititigan ang kaibigan, at ngumiti eto nang napaka pilyang ngiti. At sayang dahil di naman nakikita ni Gabrielle yon, at lihim ding kinikilig ang batang si Brice..   "Ayaw mo pa rin magsalita?" tanong ni Gabrielle..   "Hmp! Nakakainis ka kase eh.. Paano kapag naka kita kana at makita mong pangit ako, magugustuhan mo pa rin ba ako?" tanong at maktol naman ni Brice..   "You have a lovely voice kaya I'm sure you're pretty same as your voice.." sagot naman ni Gabrielle..   "So kapag pangit ako, hindi mo ako magiging Girlfriend ganun?" pangungulit pa rin ni Brice..   "Syempre magugustuhan pa rin kita, at ikaw pa rin ang pakakasalan ko.." sagot naman ni Gabrielle..   "Promised?" si Brice..   "Promised cross my haeart, until Yaya will die.." sagot naman ni Gabrielle at magkasabay pa silang nagkatawanan.   "Uy kayong dalawa, tigilan nyo muna yang sumpaan nyo.. Ke babata pa alam na ang sumpaan-sumpaan na yan.." agaw naman nang yaya ni Brice..   "Yaya kontra-bida ka talaga sa amin ni Gabrielle.. We're in the moment pa this time then e-eksena naman kayo nang yaya ni Gabrielle.. Sabay tawa ni Brice.. Maging ang dalawang Yaya kapwa napataas nang kilay..   Habang naglalakad pauwi nang bahay nang mga oras na iyon magkahawak kamay pa ang dalawa. Galing sila sa malapit na Park na nasa loob nang kanilang subdivision..   Malapit na sila sa bahay nina Gabrielle nang makasulubong nila ang isang grupo nang bata.   "Bulag! Bulag! Bulag!" sigaw nang mga eto na patungkol kay Gabrielle.. Agad naman nag-init ang tenga ni Brice nang marinig ang pangbubuska sa kanyang kaibigan..   "Mga wala talaga kayong mga modo, nag-aaral pa naman kayo sa private scholl but all of you acting like uneducated child!" sigaw nang batang si Brice..   "Bakit ba palagi mong kinakampihan yang bulag na yan ha!?" sigaw ni Arthur kay Brice..   "His my Friend at wala na kayong pakialam kung kampihan ko man sya..!" sabay hila ni Brice kay Gabrielle.. Dahil nagmamadali si Brice at wala namang makita si Gabrielle nadapa eto.   "Wah! Bulag na, lampa pa.. Hahahaha!" tawanan nang grupo ni Arthur..   Agad namang pinigilan nang dalawang yaya ang mga batang nambubully, at inalalayan naman ni Brice si Gabrielle para makatayo eto..   "I'm sorry Gabrielle, diko sinasadya.." hinge naman nang paumanhin ni Brice sa kaibigan..   "Yaya let's go.." sabay abot nang kamay ni Gabrielle sa kanyang yaya para alalayan s'ya nitu..   "Leave me alone Brice!" biglang galit ang tono ni Gabrielle na di naman maintindihan ni Brice kung bakit bigla nalang eto nagalit sa kanya..   Ilang araw ang nakalipas at ayaw ding makausap na ni Gabrielle si Brice, ayaw na rin nitu makipaglaro sa kanya at kahit anong pilit nya at kumatok sa kwarto nitu di sya pinagbubuksan nang kaibigan..   ****   Lumipas ang Isang Linggo, dalawang Linggo at hanggang sa naging isang buwan. Patuloy na umiiwas si Gabrielle sa kanyang kaibigan. Ayaw nyang masaktan pati si Brince sa panghahamak sa kanya nang kapwa nya bata.. Mas nasasaktan s'ya kapag eto ang iniinsulto nang kapwa nila bata kaya para walang gulo at di sya masaktan iniwasan nalang nya eto, ngunit labis na ang kanyang pananabik sa kaibigan na makasama at makalaro eto..   Maging si Brice naging malungkot eto dahil, sa ginagawa ni Gabrielle na di naman nya maintindihan kung may nagawa ba syang kasalanan dito para iwasan sya. Sobrang miss na nya si Gabrielle, hindi naman s'ya nakikipaglaro sa iba pang bata kapag nasa loob sya nang subdivision na iyon..   "Nag-away ba kayo ni Gabrielle?" tanong nang kanyang Mommy..   "No Mom. But he's mad at me, hindi ko alam kung bakit s'ya galit.." tila naiiyak naman na sagot ni Brice..   "Alam mo nabang aalis sila at magpupunta nang America?" muling tanong nang kanyang Mommy..   "No Mom. Kelan sila aalis? Matagal na n'ya ako di kausap Mommy.." sagot ni Brice..   "Then try to talk to him again, just to say goodbye.. Baka kase matagalan sila doon.." tugon pa nang kanyang Mommy.     Nang gabing iyon halos 'di naman makatulog ang batang si Brice. Iniisip nya ang pag-alis nang kanyang matalik na kaibigan. She want to talk to Gabrielle bago man lang eto umalis at iwanan sya..     Sumapit ang araw nang pag-alis ni Gabrielle kasama nang mga magulang lilipad ang mga eto patungong America para malunasan ang karamdaman ni Gabrielle.. Nakita ni Brice na nagyakapan pa ang Mommy nya at ang Mommy ni Elon, hindi nya makita si Gabrielle sa labas. Nakatanaw lang sya sa bintana mula sa kanyang silid.   "Really He don't have a plan para magpaalam sa'kin.." masama ang loob na isinara ni Brice ang kurtina nang kanyang bintana..     Ilang sandali pa s'yang nakaupo, at nakarinig sya nang katok mula sa kanyang pintuan.. Wala syang planong buksan iyon, ayaw nyang makita ninuman na umiiyak s'ya.. Ngunit narinig nya ang boses ni Gabrielle, tinatawag sya nitu sa kabilang pintuan..     "Brice.. Open your door please I need to talk to you.." mahinang wika ni Gabrielle at mababakas naman sa boses nitu ang lungkot..   Agad namang binuksan ni Brice ang kanyang pintuan nang silid..   "Anong kailangan mo? After you Ignoring me for almost a month..?" himig nang sama nang loob si Brice..     "I'm sorry.. Just want to say bye.. Aalis kami ay pupunta nang Amerika, baka matagalan bago ako makabalik Brice. Mamimis kita, palagi kang mag-ingat.. Take this, binili ko to para sa'yo. Yong nasa maliit na box wag mo muna buksan, pagbalik ko sabay natin bubuksan yan.. Sorry kung di kita kinausap, galit lang ako sa sarili ko palagi ka kase nila inaaway dahil sa'kin.." hindi na natapos pa ni Gabrielle ang sasabihin, niyakap sya ni Brice.   Mahigpit at impit ang pag-iyak nitu. Niyakap naman ni Gabrielle ang kaibigan. Ilang minuto din ang yakap na iyon.. Kapwa sinusulit ang mga oras na nalalabi sa kanila..     "Basta ang promised natin sa isa't-isa, pag laki natin tayo ang magiging meant to be ha.. Ikaw ang magiging girlfriend ko at ako naman ang boyfriend mo.." bilin ni Gabrielle kay Brice.. Kahit di nakikita nang batang si Gabrielle si Brice tumango naman eto, tanda nang pagsang-ayon..     "Tatawagan mo ako ha kapag, nandoon kana sa Amerika.. Wag kang makikipag laro sa ibang batang babae dun, baka kase makalimutan mo na ako kapag may kalaro kana doon.." si Brice na tuluyan nang naiyak..     "Okay. Promised.. Ingat ka Brice sure ma mi-miss kita.." maluha-luha namang wika ni Gabrielle..     Isang halik sa pisnge ang ibinigay ni Brice kay Gbrielle, at isinuot nitu sa kaibigan ang kwentas na matagal na nyang dapat ibibigay dito. Isang locket chain yon at nandoon ang picture nilang dalawa..     TO BE CONTINUE..       Copyright ⓒ Ahna Alejos 2015, All rights reserved.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD