SANTILLIAN SERIES "Unseen Love" [Gabrielle Santillian] LAHAT ata ng angkan nila parehong masaya sa kanilang kasal at maging si Brice, s'ya na ata ang pinaka masayang babae sa buong mundo. Eto na yon ang pinakahihintay n'ya. Eto na ang katuparan ng kanyang pangarap ang maging isang Mrs. Brice Santillian, at higit sa lahat matagal na n'yang pangarap na maging parte ng buhay ni Gabrielle. Ang maging kanya ang lalaki at s'ya nama'y para lang sa binata. Malaki ang pamilya ng Santillian kaya naman hindi kataka-takang isang engrandeng kasalan ang magaganap, kung si Brice lang ang masusunod she was okay with a simple wedding ang mahalaga lang naman sa kanya magkaroon ng basbas ang kanilang pagsasama. Wala s'yang naging problema sa kanilang kasal, dahil ang Momm

