SANTILLIAN SERIES
"Unseen Love"
[Gabrielle Santillian]
NAKATULALA s'ya habang inaayos ang mga papeles sa ibabaw ng mesa ni Gabrielle. May nangyari sa kanila ng kanyang kababata, naisuko na nya ang kanyang bataan. Napaupo nalang sya at matamang nag-iisip ng mga pangyayari kagabi. She touch her inner legs, may nangyari nga dahil dama pa rin nya ang bahagyang sakit niyon. She smiled, ngiting mula sa kanyang kaibuturan. Kinakapa nya kung may pinagsisisihan sya, ngunit wala, walang kahit na katitining na pagsisi sa kanyang puso. Masaya syang sa lalaking minamahal naibigay ang bagay na iyon, ang pinakaiingatan at nag-iisang kayamanan ng isang babae. Masaya sya at si Gabrielle ang kauna-unahang lalaking umangkin sa kanya.
"Hoy! Ano ka ba kanina pa ako nagbubuzer sa labas hindi mo ako pinapansin." Angil sa kanya ni Arthur.
"Ha?!" Nagulat pa sya ng makitang nasa harapan na ng mesa ang kaibigan.
"Kita mo tong babaeng to daig mo pa ang nakakain ng kung ano ah, at nakatulala ka sa sarap dyan.." Biro ng kaibigan nyang si Arthur.
" Tama ka nakakain nga ako ng masarap, I mean kumain ako ng sinangag kanina, solve ang agahan ko." Pag-iiba ni Brice.
"Kaya naman pala. Nasobrahan ka sa busog. Oh eto na ang mga kailangan papirmahan kay boss, ikaw na ang bahala dyan. Bat wala pa nga pala ang love of your life?" Tanong naman ni Arthur.
"Baka papasok na rin iyon." Sabaay inilihis ni Brice ang kanyang mukha, sa kaibigan.
Makalipas ang halos kalahating oras, nakapasok din si Gabrielle sa opisina. Tinapunan nito ng tingin si Brice, tila naman nahiya pa ang dalaga matapos ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi sya pa ngayaon ang may ganang yumuko ang muka. Trabaho ang agad na inasikaso ni Gabrielle, tila walang nangyari ng nagdaang gabi o ayaw nya etong pag-usapan nila ni Brice. Naiintindihan naman ni Brice ang lahat kahit sya hindi rin nya alam kung anong magiging reaksyon nya o kilos matapos ang lahat. Kalahating oras bago ang lunch break may hindi inaasahang bisita si Gabrielle.
"Hi Babe! I missed you so much, palagi ka nalang abala sa work kaya ako na ang dumalaw sa'yo." Sabay yakap nitu mula sa likuran ni Gabrielle.
"What are you doing here?" Nagtitimpi namang tanong ni Gabrielle. Habang si Brice parang may kung ano namang kumurot sa kanyang dibdib sa nakikita sa dalawa.
"Why? Masama bang dalawin kita, sobrang miss na kita babe. And anyway Remember Carlo yong bestfriend ko dumating na sya from Brazil, magkasama kami kahapon. He want to meet you also." Nakangiting wika ni Waverly.
"Carlo yong kababata mong foofball player? Kasama mo sya kahapon?" Tanong ni Gabrielle..
"Yes babe, lumabas kami kahapon, I meet him sa isang restaurant." Tugon naman ni Waverly.
"Along Green Belt high way? Doon ba kayo nagkita, sya ba ang kayakap mo kahapon?" Tanong naman ni Gabrielle. Napakunot naman ang noo ng nobya ng lalaki.
"Paano mong nalaman na nagyakap kami? Eh babe kaibigan ko yon, and wala naman yon namissed lang namin ang isa't-isa. You know me sometimes diba.. Kapag matagal na talagang di nakikita ang isang tao minsan kahit sa kalsada I can hugged them." Agad na paliwanag ni Waverly.
Napalingon nalang si Gabrielle sa pintuang, nagsara si Brice ang lumabas ng opisina. Panay ang higop nya ng hangin, para kase syang nauubusan ng hangin sa loob habang nakikita ang dalawa at naririnig ang usapan ng dalawa. Napaupo sya sa front desk ng opisina nila ni Gabrielle, wala pang kinse minutos nakita na nyang magkasama ng lumabas ng opisina ang dalawa at masayang-masaya na uli ang mukha ni Gabrielle. Napangiti sya ng mapait at tila nakaramdam ng awa sa sarili, habang nakatanaw sa papalayong bulto nina Gabrielle at Waverly.
***
Matapos ang trabaho ni Gabrielle agad syang nagtuloy sa kanyang unit may usapan sila ni Waverly ng gabing iyon na lalabas. Para naman makabawi sya sa kanyang nobya, naging abala sya dahil sa trabaho, napag-isipan pa nya eto ng masama ng makitang may kayakap etong iba. Pero napaka saya nya dahil walang nagbago sa kanilang dalawa. Mahal na mahal nga nya si Waverly at eto ang babaeng pakakasalan nya.
He's ready going out, pero agad namang may nag doorbell sa labas ng kanyang unit. Dahil palabas na din naman sya kaya, sinalubong nalang nya para mapagsino ang nasa labas ng pintuan. He was totally surprise ng makita ang nobya sa labas nito.
"Happy anniversary babe.." Nakangiti nitong bungad habang may dalang alak at isang plastik ng pagkain.
"Oh my God! Babe I'm sorry, nakalimutan ko dahil sa trabaho." Agad na depensa ni Gabrielle. Dahil talaga iyon sa pagiging abala nya sa trabaho kaya naman nakalimutan nya maging ang anibersayo nilang dalawa.
"Alam ko babe, ng di mo ako binati kanina sa opisina alam kung nakalimutan mo. Since ako ang nakakaalala kaya ako ang nandito ngayon." Malambing na niyapos naman ng dalaga ang nobyo.
"Thank you so much babe, aalis pa ba tayo?" Malambing namang tanong ni Gabrielle.
"Mas magandang dito nalang tayo ng magdamag sa suit mo, tutal nandito na rin naman ako kaya wag nalang tayong umalis." Sabay akay ni Waverly papasok sa nobyo. Nasiyahan naman si Gabrielle sa astang iyon ng nobya.
As they reached inside, kapwa ng magkahinang ang kanilang mga labi, isinara ni Gabrielle ang kanyang pintuan gamit ang isang kamay, habang ang kabilang kamay naman nakayapos sa bewang ng nobya at patuloy na naghihinang ang kanilang mga labi.
"What do you want to take first wine or Waverly?" Malambing na tanong ni Waverly sa nobyo, sabiy bigay ng kindat dito.
"No need to ask I'd rather choose my Waverly than tha most expensieve wine in the world." Tugon naman ng binata.
"I love you babe." She whispered.
"I love you more. More and more Waverly." She answered as sweet as like they kissed with each other..
Ang init ng kanilang pagmamahalan ng gabing iyon ay kanilang pinagsaluhan. Mahal na mahal ni Gabrielle si Waverly at ganoon din naman si Waverly mahal na mahal nya ang nobyo, at kahit ilang beses nilang pagsaluhan ang mainit nilang pagmamahalan hindi sila magsasawa sa isa't-isa.
"Thank you so much babe." Malambing na wika ni Gabrielle, habang nakayakap eto sa dalaga.
"Thank you for what?"
"For loving me, sa pagpaparamdam na ako lang din ang lahat sa'yo." Sya namang naging tugon ni Gabrielle sa nobya.
"Dapat lang dahil pinaparamdam mo rin na ako lang ang mahal mo. Kaya mahal na mahal din kita babe." Sabay bigay ng mahigpit na yakap ni Waverly sa nobyo.
"Another one?" Makahulugang kindat ni Gabrielle sa dalaga.
"Gutom na ako babe, pwede kumain na muna tayo?" Lambing naman ni Waverly dito.
"Sige na nga ayokong magutom ka, kumain na muna tayo saka tayo magpa thumbling-thumbling sa kama." Pilyong tugon ni Gabrielle sa nobya.
***
Isang paanyaya ang natanggap ni Gabrielle mula sa ama sa mansyon. Dahil araw ng Linggo kinabukasan, ang buong araw ng Sabado ibinigay nya para kay Waverly, maghapon lang din sila nagkulong ng araw na iyon ng nobya. Kaya naman Linggo na ng umaga umalis sii Waverly sa unit ni Gabrielle tutal gabi naman ang paanyaya ng kanyang ama.
Nang araw ding iyon tinawagan din ni Garrett si Brice at inanyayahan ng hapunan. Maging ang dalaga ay nagtataka, kung bakit inanyayahan sya ng Ninong nya. Wala naman syang magawang dahilan, kaya umo-oo nalang sya sa kanyang ninong. Nang araw ding iyon kapwa nya nakausap ang kanyang magulang, nangungumusta ang mga eto mula sa Italy. Maayos naman sya kaya sinabi din nyang maayos ang kanyang kalagayan.
Pagdating ng gabi, gumayak sya sa hapunan na paanyaya sa kanya ng kanyang ninong, isang long formal dress ang kanyang isinuot na angkop lang para sa isang okasyong kagaya ng paanyaya ng ninong nya. Isang hapunan lang naman daw iyon, ang nasa isip nya marahil may ilang malalapit na kaibigang nandoon. Kaya naman simple lang din ang gayak nya, ngunit elegante pa ring tingnan. Sya lang mag-isa ang pupunta at wala din naman syang konsurte ng mga oras na iyon.
Nasa harapan na sya ng mansyon ngunit wala namang kakaibang selebrasyon, dahil wala namang gayak, nakita nya ang sasakyan ni Gabrielle na nandoon. Napangiti naman sya ng maisip na nandoon din ang minamahal. May isa pang sasakyang nakaparke din hindi naman nya alam kung kanino iyon, mismong sa tapat ng malaki at malapad na pintuan sya huminto, at iniabot nalang nya sa Tito Christopher nila ang kanyang susi para maiparke ng maayos ang kanyang sasakyan. Walang tao sa labas maliban sa kanyang ninong Garrett na naghihintay at nakatayo.
"Good evening Ninong." Bati nya dito sabay mano.
"Good evening iha, tamang-tama lang ang dating mo kompleto na tayong lahat. Sa dinning area na tayo andun na sila at naghihintay." Nakangiting wika ni Garrett.
Ilang dipa pa ang layo ni Brice ng mapagsino nya ang dalawang nakatalikod alam nyang ang Mommy at Daddy nya iyon, halos doblehen naman nya ang hakbang at ng lumingon ang mga eto agad namang sumalubong si Beth para yakapin ang anak.
"Mommy! Daddy? Anong ginagawa nyo dito? Bakit di man lang kayo nagpasabing uuwi kayo.?" Tanong naman ni Brice.
"Biglaan anak, agad nga kaming lumipad ng tumawag etong ninong mo." Nakangiti namang tugon ni Beth sa anak.
Naka upo si Gabrielle sa tapat ng upuan kung saan naka tayo si Brice, pero tila iba ang tingin nitu sa kanya, parang may galit na hindi nya maintindihan. Binalewala nalang nya ang binata. Narinig nalang nya na nagpaanyaya ang kanyang ninong na maupo na sila.
"Marahil nagtataka kayo kung bakit nandito tayo ngayon lahat, ngayon palang ako na ang humihinge ng despensa sa nagawa ng aking anak na si Gabrielle, but anyway napag-usapan na rin naman namin eto ng pinaka mamahal kung si Hailey so alam nya kung ano ang mga kaganapan ngayon. Nahihiya ako sainyo dahil sa nangyari sa mga bata pero kaya kami humarap para maiayos ang kasal nina Gabrielle at Brice." Walang paligoy-ligoy na wika ni Garrett.
"Sa aming mag-asawa, wala namang kaso iyon kung kapwa namang nagmamahalan sina Gabrielle at Brice hindi kami tutol." Si Beth ang sumagot kay Garrett.
"As a father, I would be happy also as long as my doughter's happy for this thing.'' Segunda naman ni Henry.
"Pa pwede ba muna kaming mag-usap ni Brice?" Nakakunot pa rin ang noo ni Gabrielle.
"No iho. Sa lalong madaling panahon kailangang maikasal kayo. Iha wag kang mag-alala kami ang bahala sa lahat ng tungkol sa kasal ninyo, ikaw na ang pumili at pwede mo kausapin ang Ninang Hailey mo para sa mottif, hindi ko alam kung anu-ano pa. Ngayon magiging isa na rin tayong pamilya." Masayang wika ni Garrett. Nag tossed pa ang dalawang lalaki na minsan naging parte kapwa ng buhay ni Hailey.
"Salamat ho ninong." Nakangiting tugon ni Brice. She want this thing happen, si Gabrielle lang naman talaga ang pinangarap nyang mapakasalan eh, si gabrielle lang din ang gusto nyang mapangasawa.
Natapos ang hapunang iyon, at habang nag-uusap ang kani-kanilang magulang di naman lingid kay Brice ang mga tingin sa kanya ni Gabrielle. Kaya ng makita nyang nagtungo eto sa veranda para magpahangin sinundan nya eto.
"Is this what you want Brice?!" May galit sa boses nitu.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ng dalaga.
"Sinadya mo bang may mangyari sa atin para dito? Please nakikiusap ako sayo, humihingi ako ng paumanhin sa nangyari wag kang pumayag na magpakasal tayo." Muling wika ng lalaki.
"Gabrielle ano bang sinasabi mo? Ayaw mo bang magpakasal?" Kahit na alam naman nya ang sagot ng kababata tinanong pa rin nya ang bagay na eto.
"Gusto.. Gustong-gusto." Napangiti naman si Brice sa sinabi nitu, kung ganoon gusto din ng kababata nyang magpakasal sila.
"Gusto ko Brice magpakasal, pero hindi sayo kundi sa babaeng mahal ko. Si Waverly iyon." Pagtatapos ng sasabihin ni Gabrielle.
Hindi man lang sya nakasagot sa sinabi na iyon ng kababata para syang sinampal ng ilang ulit sa kanyang pisnge. Ganoon ba sya ka ayaw ni Gabrielle? Samantalang ng mangyari sa kanila ni Gabrielle iyon, tila wala ng bukas kung angkinin sya. Tapos ngayon sasabihin ng binata, na sa nobya nya eto gustong magpakasal.
"How dare you!" Hindi nya napigil ang sarili na di magalit dito.
"Why I am wrong? Alam mong lasing ako, at pareho tayong nakainom, walang may kagustuhang mangyari iyon. Maliban nalang kung gusto mo talagang mangyari ang lahat! Isa pa hindi ikaw ang mahal ko si Waverly ang mahal ko, naiintindihan mo ba Brice!?" Pabulong nga ang sinasabi ni Gabrielle pero dinig na dinig naman nya ang lahat sa puno ng kanyang tenga at sa tuwing idinidiin nitu na si Waverly ang mahal ng binata, para naman syang tinutusok ng libo-libong karayom.
Iniwan nya eto sa veranda na mag-isa. At sa kabila ng sakit na nararamdaman nya sa kanyang dibdib may ngiti pa rin sa labing lumapit sya sa mga magulang. Nakikinig lang sya sa mga pinag-uusapan ng katandaan. Habang di naman maiwasang sulyapan nya ng tingin si Gabrielle. And it's final tuloy ang kasal nila, nakaayos na ang petsa, araw nito ayon sa napagkasunduan ng kanilang mga magulang.
"Binabalaan kita Brice! Kapag hindi ka umatras sa kasal I'll make your life miserable with me." Pahabol pa ng lalaki bago sila tuluyang lumisan sa mansyon ng mga Santillian.
"Don't worry Arielle, I'll make your life happy as long as we stay together." Sabay ngiti pa nya sa kababata. Kailangan nyang maging positibo sa mga bagay na eto. Mahal nya si Gabrielle, maaring sa ngayon mahal nito si Waverly pero nakahanda naman syang gawin ang lahat para mahalin sya nitu and she will do everything just to make there married life happy.
¤¤¤¤