SOPHIA
Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ni Paolo. Paulit ulit ang pag tawag ng kung sino rito. Pagod ako kagabi sa ginawa namin ni Manong, madaming beses pa akong hindi tinigilan ng matanda at ganadong ganado kami pareho, siguro dahil ilang linggo narin akong hindi nakakant*t ng kadoon ka tindi at si Manong naman panigurado nagsawa na sa kakasalsal at kakapantasiya sakin kaya nang makatsyempo ay parang halimaw kung makakant*t.
Panay parin ang tunog ng cellphone ni Paolo kaya tinulak ko siya nang tinulak upang siya na mismo ang bumangon ngunit ilang beses ko pang tinulak at hindi siya nagising, umungol lang at tinakpan ang ulo ng unan.
"Agh!" Inis akong bumangon atsaka inabot ang cellphone niyang panay tunog at vibrate sa bed side table. Sinagot ko ito nang hindi tinitignan kung sino.
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya. Narinig ko naman ang pagsinghap ng kausap.
"Number naman ito ni Paolo..." rinig kong boses babae sa kabilang linya. Mukhang nagtataka kung bakit babae ang sumagot sa tinawagan.
"Yes, number niya ito. Natutulog pa siya at ayaw gumising. Sino po sila?" tanong ko at kumunot ang noo. Inilayo ang cellphone sa tenga at tinignan kung sino ang tumawag. The caller ID says Intern Dahlia.
"Hala, pasensysa na, lasing na lasing kasi iyan kagabi. Ano... ahm... tawag nalang ako mamaya." nauutal utal nitong sabi.
"Importante ba sadya mo? Pwede namang ako na magsabi sa kanya pagkagising niya." usal ko at nawala na bigla ang antok sa sistema nang maalala na Dahlia rin pangalan nong nagbigay ng cookies sa kanya na may heart drawing. Bakit ba ito tumatawag gayong rest day ngayon ni Paolo sa trabaho.
"H-hindi naman, ano, ahm... pakisabi nalang na tumawag ako, salamat."
Sasagot pa sana ako ngunit agad nitong binaba ang tawag. Napataas ang isang kilay ko at bubuksan sana ang cellphone ni Paolo ngunit may passcode ito. Sinubukan kong itipa ang passcode niya alam ko ngunit hindi ito mabuksan. Iniba na niya ang lock ng cellphone.
Nagdududa man ay tumayo na lamang ako at nagpasiyang maligo dahil malagkit parin ang aking pakiradam mula kagabi kahit naligo naman sa gitna nang ginagawa namin ni Manong. Habang naliligo, iniisip ko kung may kabit ba si Paolo at iyong Dahlia ang kanyang kabit. Kung mayroon man hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit, siguro dahil ako naman iyong naunang magtaksil sa kanya. Kaya kung sakaling niloloko niya ako ay napahipokrito ko naman para magalit at pagbintangan siyang manloloko.
Harap harapan nga iyong panloloko ko sa kanya kagabi. Pero napagkasunduan namin ni Manong na huli na iyon at gusto ko nang magseryoso sa relasyon namin ni Paolo. Kaya ngayon palang aayusin ko na ang pagsasamahan namin at ako na mismo ang magsasabi kay Paolo na aalis na kami sa apartment na'to.
"Masarap ba?" tanong ko kay Paolo habang nginunguya niya ang adobong niluto ko.
Nilunok niya muna ito at uminom ng tubig bago ako pilit na nginitian. "Hindi naman masama, babe."
Inirapan ko siya. "Oo o hindi lang sagot. Fine, first time ko pa naman iyan. Panigurado masarap na sa susunod."
Walang ka buhay buhay siyang tumango at hindi na muling pinansin ang kanyang pagkain. Tanging kape lamang iniinom.
"By the way, iyong tumawag sa'yo kaninang umaga ay iyong Intern Dahlia sa contacts mo. Nag inuman raw kayo kagabi?" tanong ko at napaupo naman siya ng maayos.
"Ah, oo, kasama iyong ibang katrabaho," sagot niya at kinuha ang kanyang cellphone na nakalapag lamang sa mesa. Binuksan niya ito at nakita kong nagtungo ito sa mga messages bago muling bumaling sakin. "Ano bang sinabi niya?"
"Wala naman, sinabi niya lang na sabihin ko sayong tumawag siya," usal ko at nakakunot ang noong binalingan siya ng tingin. ""Close kayo non?"
"Medyo? Bago lang kasi iyon at tinutulungan kong maka adjust. Parang ako lang dati nong bago palang ako. Wala akong masyadong kasama at mabuti nalang nandon si Manong Seryo para samahan ako minsan." mahaba niyang sagot.
Tumango ako at ayaw ko nang dugtungan ang topic kapag napapasama na ang matanda. Natahimik na ako at kumain, napaubo naman nang makain ko ata ang hindi pa na lusaw na chicken cubes na inilagat ko sa adobo.
Inabutan ako agad ni Paolo ng tubig at mahinang natawa. "Naku, mas mabuting mag paturo ka nang luto kay Dahlia. Naku! Napakasarap mag luto non. Mangha nga buong opisina nang pinatikim niya luto niya samin."
"Talaga ba?" tanong ko at halata ang pagkabitter saking boses. Mukhang hindi naman ito napansin ni Paolo at mukhang na engganyo nang nalipat sa babaeng iyon ang topic namin.
"Oo! Nilutuan ko nga nang fried fries para ipagmalaking masarap rin ako mag luto, pero grabe mas masarap parin iyong dala niya. Atsaka, napakabait non, panigurado magkakasundo kayo." usal nito at halata ang tuwa sa boses. "May kapatid iyong babae, high school pa at kasalukuyan niyang pinapaaral, wala nang mga magulang kaya napunta sa kaniya ang responsibilidad..."
Ah, kaya pala pasipol sipol pa siya noong nakaraan habang nag luluto ng fried rice dahil para pala iyoon sa babae.
Madami pa siyang naikwento at mukhang pati ako alam na buong buhay noong babae dahil halos na ikwento na ni Paolo buong buhay sa'kin sa isang upuan lamang. Dito palang alam ko na, alam ko nang may kung ano sa dalawa. Kung hindi pa sila magkarelasyon ngayon panigurado may tensyon sa dalawa at alam kung kalaunan mag kakarelasyon rin. Hahayaan ko lang ba? Hindi ko alam pero hindi ko kayang mag protesta lalo na't mukhang tuwang tuwa siya sa pinagkukukwento.
"Ikaw, babe? Hindi ka ba nabobored rito?" tanong niya nang mapansin ang katahimikan ko. "Mabuti pa kausapin mo nalang minsan si Manong Seryo. Sabi niya sakin ay isa na siyang on call driver nang isang mayamang negosyante. Kaya madalas nasa apartment niya lang siya."
"Sayang nga at tumigil na siya sa kompanya. Pero mas malaki naman sweldo niya sa bago niyang trabaho at madami pa siyang free time!" patuloy nitong usal at pahipyaw lang akong umiirap. "Si Manong nalang ipatikim mo kung mag papractice kang magluto."
Napailing ako. "Tss. Wag na, iba nalang ipapakain ko sa kanya-" bigla akong nasamid sa sariling sinabi.
"Ha?"
"Wag na nga nating pag usapan ang matandang iyon! Mabuti pa sabihin mo sakin kung kailan tayo makakaalis sa apartment nato." bulalas ko at tumayo para iligpit ang aming pinag kainan.
"Ha, eh bago palang tayo rito. Baka isang taon pa." anito na ikinalaki ng mata ko.
"Isang taon?! Ang tagal naman. Ayoko ko na rito, eh!" reklamo ko at padabog na naghugas ng plato.
"Mas maganda nga rito at may kakilala. Kung maka reklamo ka naman, ikaw ba nag tatrabaho? Tss." rinig ko ang inis sa kanyang boses. "Kung gusto mong makaalis agad, mag hanap ka ng trabaho. Hindi iyong nakahilata ka lang rito buong araw."
Galit ko siyang hinarap at nakatalikod na ito habang hawak hawak ang kaniyang cellphone at mukhang may ka text pa.
"Paolo!" tawag ko sa kanyang atensyon ngunit pukos lang ito sa kakatype sa kanyang cellphone. "Paolo!"
Umiling siya at nag martsa papasok sa loob ng kwarto. Napapikit nalang ako sa halo halong emosyon sa pagitan naming dalawa.