19

1139 Words
MANONG SERYO Napapayag ko rin sa wakas si Sophia na makipaghiwalay na kay Paolo. Araw nalang ang bibilangin ko para makasama na ang dalaga at matira siya kahit kailan ko gustuhin. Halos mapunit ang mga labi ko sa kakangiti habang iniisip ang mga mangyayari sa mga susunod na mga araw. Panigurado matutuwa rin iyong amo kong si Armando. Hindi ko na kasalanan at nagkamali iyong si Paolo at ayaw na ni Sophia na makipag ayos rito. Siguro pasasalamatan ko iyong batang iyon at nag tuluyang nag taksil sa dalaga kaya napadali ang mga gusto kong mangyari. Ayain ko nga iyong mag inom. Kinuha ko ang aking cellphone at tatawagan na sana ang binata ngunit tumunog ito at lumabas ang pangalan ni Paolo. Kumunot ang noo ko at nagtaka kung bakit unang itong tumawag. Baka inamin na ni Sophia ang totoo o baka nalaman niya ng kusa. Sinagot ko ito. "Oh, Paolo, napatawag ka?" "Libre ka ba ngayon, Manong?" tanong nito. "Oo, bakit naman?" "Gusto ko lang may mapag sabihan nitong problema ko." usal nito sa kabilang linya. Hindi niya alam kung ganon. Kung gusto akong kausapin tungkol sa problema niya edi wala pa itong alam sa nangyayari samin ni Sophia. "Sige, itext mo lang kung saan." Binaba ko na ang tawag at tinext si Sophia para tanungin kung naghiwalay na ba sila. Sophia: Hindi pa. Hindi pa nga iyon umuuwi rito. Gusto ko sa personal kami mag hiwalay. Hindi pa umuuwi? Eh, dapat kahapon lang nakauwi na iyon. Sus, kung nalaman kong hindi pa pala umuuwi edi sana nag papakasaya pa kami ni Sophia kahapon. tsk. Nag bihis na'ko at lumabas na para puntahan ang binata sa lugar na tinext nito. Gusto pa atang makipag inum tanghaling tapat. Hininto ko ang sasakyan sa parking nang isang resto bar. Pumasok ako sa loob at nakita ko si Paolo na nasa dulo at nag simula ng uminom ng beer. Lumapit ako at umupo sa tapat nito. "Oh, hindi ka man lang naghintay." biro ko at nginisihan siya. Halata naman ang pagod sa mukha nito. Mukhang kakagaling lang sa bakasyon dahil mukhang nangitim dahil sa araw. Umiling ito at inabotan ako ng isang basong beer. "Salamat, Manong at pinaunlakan mo ang imbetasyon ko." "Sus, wala iyon. Bakit ano bang problema mo at mukhang gustong gusto mo nang ipakawala." tanong ko kahit alam ko naman kung ano. "Nagkasala ako kay Sophia, Manong." usal nito at umiling iling ako para maitago ang ngisi sa labi. "Naku, hijo. Ano bang ginawa mo?" "May nagugustuhan nakong iba at siya na ang gusto kong makasama. Hindi na si Sophia." usal nito at nilagok ang isang basong beer. Nilunok niya muna ito lahat bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Nakokonsensya akong makipag hiwalay kay Sophia dahil matagal narin kami at madami akong mga planong nasabi sa kanya na sabay naming gagawin." "Kaso ayaw ko na talaga. Hindi na nga ako umuwi sa apartment dahil na kokonsensya akong makita si Sophia na naghihintay sakin don..." bulalas nito. Tanungin mo muna kung hinihintay ka ba nong dalaga iyon. Gusto ko ngang matawa sa mga gustong sabihin. Napaka demonyo ko naman kung ganon. Naisip ko rin kung nakokonsensya din ba si Sophia habang nag kakant*tan kami ngunit mukhang hindi naman sa lakas ng ungol non. Mukhang walang pakialam sa paligid kapag kinakant*t. "Mabuti pa, hijo, kausapin mo si Sophia at aminin mo mga nagawa mo. Hindi iyan matatapos kapag ayaw mong harapin." komento ko at tinapik ang kanyang balikat. "Hayaan mo siyang makipag hiwalay sayo." Inangat nito ang tingin sakin kaya kinunot ko ang aking noo at nagpanggap akong concern. Baka mahalata niya na natutuwa ako sa nangyayari. "Pano kapag ayaw akong hiwalayan?" Nasamid ako sa sariling laway dahil sa narinig. Anak ng? Ang taas naman ng ihi ng lalaking ito. Tumikhim ako. "Kung ayaw edi ipaliwanag mo na ayaw mo na sa relasyon niyo. Mabait naman iyong si Sophia at maiintindahan niya agad." "Kung sabagay, kaso naisip ko rin, Manong na sayang rin iyong mga pinagsamahan namin..." mahina nitong sabi at yumuko. "Naisip ko rin na baka pwede pa sigurong maayos—" "WAG NA!" biglang putol ko sa sasabihin niya. Pucha! Balak pa atang ayusin, anak ng! Nanlaki ang kanyang mata at inangat ang tingin sakin. "Ha?" Tumikhim ako at umiling. "Wag mo nang ayusin, hijo at hindi na iyan maaayos. Tignan mo, ilagay na nating mag kakaayos nga kayo pero may bahid na ang relasyon niyo at darating ang araw na mag aaway kayo at mag susumbatan lamang ng mga maling nagawa." "At isa pa, iiwan mo ba iyong bago mong nagugustuhan? Kaya mo bang iwan iyon?" tanong ko at umiling iling naman si Paolo. Kita mo na. "Hindi. Gustong gusto ko talaga si Dahlia. Kaso iyon nga at naaawa ako kay Sophia dahil pakiramdam ko tatalikuran ko siya at parang tinapon ko lang sa basurahan lahat ng plano namin." "Mas maawa ka kay Sophia kapag pinagpatuloy niyo pa relasyon niyo. Mabuti pa, bukas na bukas, kausapin mo siya. Malay mo, gusto na rin nong kumawala at hinihintay lang pag amin mo." Gusto ko nang batukan itong lalaking 'to sa tagal umintindi. Kung pwede sabihin kong mamayang gabi na makipag usap kaso may lakad kami ni Sophia mamaya at ipapakilala ko siya sa amo ko. "Bukas mo na kausapin at wag na ngayong gabi dahil nakainom ka." patuloy ko at tumango tango naman siya. "Salamat talaga, Manong. Maaasahan talaga kita." anito at tinapik ko lang ang kanyang balikat. "Walang anuman, hijo." "Kaso may tanong pa ako, Manong." usal niya at hinintay ko ang kanyang itatanong. "Kapag nag pa siya na kaming mag hiwalay. Hindi ba magagalit si Sophia kung siya ang gusto kong umalis sa apartment namin?" Magagalit iyon dahil matatapakan ang pride. Iyon nga lang nag usap na kami ni Sophia na kapag naghiwalay sila ay sakin na siya sasama. "Wala kasing matitirhan si Dahlia at nasa probinsya pa bahay nila. At mahihirapan rin akong mag hanap ng bagong matitirhan na mura kaya doon ko nalang siya iuuwi para mag sama na kami." patuloy nito. "Wag mo nalang direktang sabihin kay Sophia, hijo. Hayaan mo siyang kusang umalis. Panigurado sa ugali non, siya na mag kukusang umalis sa apartment niyo." payo ko sa binata. Nag usap pa kami ni Paolo hanggang sa sumapit ang hapon at kailangan ko nang umalis dahil may lakad pa kami mamayang gabi kasama ang future ex niya. hahaha. Tumayo nako at tumayo narin siya. "Pano ba iyan, hijo. Mauna nako sa iyo at may lakad pa kami ng amo ko." paalam ko sa binata. Tumango naman ito. "Sige, maraming salamat, Manong. Ikaw talaga ang tinuturing kong ama rito at napakabuti mo sakin." medyo may pagkalasing na na usal nito. Gusto ko ngang matawa sa pinagsasabi ng binata dahil napakainosente nito at walang ka alam alam. Siguradong sa impyerno na talaga ang bagsak ko nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD