Kinabukasan maaga kong pinadala ang pera para sa operasyon ng aking inay. "Salamat anak ha, mag-iingat ka riyan. I-kumusta mo na rin kami sa Tita Linda mo. Huwag ka nang mag-alala sa'min. Balitaan kita kaagad pagkatapos ng operasyon ng iyong inay," wika ni itay. "Sige po itay, kayo na po ang bahala kay inay. Tawagan niyo po ako kaagad." "Oo anak," sagot ni itay. "Hija, ikaw nang bahala sa anak namin ha.. Ipagkakatiwala ko ang aming anak sa'yo," wika ni Ma'am Jessie. "Naniniwala kaming kakayanin mong pagpasensyahan ang anak namin," wika naman ni Sir Jace. "Opo, ako na po bahala," sagot ko sa mga ito. "Oh siya, aalis muna kami. Kung may mga tanong ka, kay Tita Linda mo na lang itanong," pahabol na wika ni Ma'am Jessie. "Anak, dalhin mo na itong pagkain at gamot ng Sir Jake mo.

