"Pack your things," wika ni Jake na siyang ikinagulat ni Nathalia. Kasalukuyang pumasok siya sa kuwarto nito para ibigay ang pagkain at gamot nito. "A-ano po boss?" tanong ni Nathalia na biglang nakaramdam ng takot dahil baka pinapalayas na siya nito. Hindi niya na rin ito natawag sa pangalan nito dahil sa takot na kaniyang naramdaman. Naku, hindi pa naman ako bayad sa ibinigay sa 'kin na pera ng mag-asawang Villafuerte. Sa isip-isip niya. "I said pack your things," pag-uulit nito na nakakunot-noo pa. "B-bakit boss, may nagawa po ba akong mali?" tarantang tanong ni nathalia. "Sabihin niyo po kung ano po 'yon at makapagpaliwanag po ako sainyo. 'Wag niyo naman po ako basta-bastang paalisin," mangiyak-ngiyak na wika ni Nathalia Ngunit nagulat na lamang si Nathalia ng bigla itong tum

