Nagising akong wala ng katabi sa condo. Umalis na naman kaagad siya. Kailan ko ba siya makakausap ng hindi nakainom." wika ko sa sarili. Napansin kong walang laman ang refrigerator nito kung kaya pumunta ako sandali ng market para mamili. Hihintayin ko na lang siya dito. I'm sure sa condo siya ulit uuwi mamaya. Nagluto ako ng pananghalian, umaasa akong uuwi ang asawa ko. Ngunit sumapit na ang hapon walang dumating na asawa. Hanggang sa kumain na lang akong mag-isa. Alas sais ng hapon. Nagluto ako kaagad ng paboritong pagkain ng asawa ko. Ngunit sumapit ang alas otso hanggang alas dose ng umaga walang dumating na asawa. Nasaan na ba iyon? Hindi kaya umuwi ng mansyon? Kaagad akong tumawag sa mansyon gamit ang cellphone ko, ngunit na kaka-disappointed ng wala rin doon ang asawa ko.

