HAYLIEEE BUMANGON KANA TANGHALI NA MAY PASOK KAPA ANO BA NAMAN ITONG BATANG ITO KUNG DI PA LAGI GIGISINGIN EH HINDI MAKAKAPASOK ..Sabi ni inay habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko
opo nay babangon napo ako ..sagot ko naman bago magtungo sa banyo at magsipilyo
Ako nga pala si Haylie Dela Vega Isang Estudyante na Nangangarap na Makaahon sa Kahirapan Nasa Grade 10 nako at ilang buwan nalang ay tutungtong nako aa SHS o Senior High School
Matapos ko Magsipilyo at naligo agad ako at nagbihis ng uniporme ko ..
Paglabas ko ng kwarto ay naamoy ko agad ang Pritong Itlog at Tuyo na niluto ni Inay ...
Ang Bango naman ng niluto mo nay Nagutom tuloy ako .. Pangbobola ko kay inay dahil mainit na naman ang ulo nito dahil tinanghali na ako magising...
Tigil Tigilan mo ako Haylie tinanghali ka na naman ng gising alam mo naman na Isa sa Pinaka--
Importanteng Bagay ang Pag aaral Yan ang makakatulong sayo balang araw para kung mawala man ako ay hindi ka mahihirapan na Mamuhay sa Mundo Pamumutol ko sa sinasabi ni Inay Halos nasanay nadin ako dito at nasaulo ko na ang Pangaral nito Dahil sa Araw Araw na Ginawa ng Diyos e tinatanghali ako Gising at Nag uumagahan ng Sermon ni Inay Pero Kahit Kelan ay di ako nagreklamo dito dahil alam kong para sa akin din ang sinasabi nito na balang araw ay ako din ang makikinabang dito..
Abat Loko tong batang to ah ..bilisan mo na sa pagkain mo Hailey at Tanghali kana Si Luke ay kanina pa nakapasok hindi kana hinintay dahil nakailang balik na siya dito ay tulog kapa din .. Sermon ulit ni nanay
Sus nay sanay na sanay na ako don kay Luke hehe Ayos lang yon kasama ko naman yon sa Pag uwi mamaya at Balang araw sa Pamamahay ko don na mismo uuwi si luke pagkagaling sa trabaho .. wika ko habang may pilyang ngiti sa labi
Ikaw talagang bata ka ke bata bata mo pa yan agad iniisip mo .. sermon na naman ni nanay sabay pingot sa tenga ko di naman lingid sa kaalam nito ang nararamdaman ko sa kababata ko..
Ito namang si inay di na mabiro hehe Osya Nay aalis napo ako ha Mag iingat kayo dito tsaka wag kapo nay magpapakapagod ha .. Sabi ko bago umalis..
Nakarating agad ako sa Paaralan at Agad na narating ang Room namin doon naabutan ko si Luke na nakaub-ob sa lamesa tila puyat na puyat..sumilay ang pilyang ngiti sa labi ko ng may naisip akong kalokohan...
Ng makalapit ako kay luke ay hinampas ko ng malakas ang lamesa
Napatalon sa gulat ang binata at namutla napatingin ito sa akin at agad na sumama ang tingin
Naloko mo na naman ako Nagpapahinga naman ako hailey bakit kelangan moko gulatin? Pasiring na wika nito
Pasensya na Luke hehe Gusto ko lang Gisingin ang kaluluwa mo HAHAHA biro ko naman dito
Maya maya pa ay dumating na ang Guro namin at Nagturo na ito
habang nagtuturo ang guro di maalis ang tingin ko sa kababata kong si luka habang tumatagal ay mas lalo itong nagiging gwapo namana nito ang mata niya kay tita lucille habang ang ilong ,labi ,pilik mata at kilay pati na ang hubog ng mukha ay namana niya kay tito calix ..napakagwapo kung titignan perpekto halos ang itsura nito at dimo maiisip na sa isang public school lamang ito nag aaral..
Nagulat ako ng biglang lumingon sa gawi ko si luke kaya napaiwas agad ako ng tingin naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa ginawa nyang yon..
Makalipas ang ilang oras ay natapos ang klase namin ..
Sabay na tayo kumain? tanong ni luke
Tara Gutom nadin tlaga ako sagot ko naman
Habang naglalakad ay napatingin ako sa mga babaeng nakatitig kay luke miski sila ay humahanga sa binata ...Isa kaseng matalinong Estudyante si Luke Bonus pa ang taglay nitong Kagwapuhan na nagpapahanga sa mga kababaihan Sikat sa paaralan si luke Tuwing Araw ng mga Puso ay Sobrang dami netong natatanggap na regalo at sulat maging sa kaarawan nito at sa araw ng pasko ay tadtad ito ng regalo kaya minsan napapaisip ako kaya kayang suklian ng kaibigan ko yung Pagmamahal na nararamdaman ko?
Haylie.. Hayliee Hoy!! sigaw ni luke habang inaalog ako
oh? b-bakit? nauutal kong tanong
ganon naba ako kagwapo ha haylie para matulala ka ng ganyan? Tanong ni Luke Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kanya
Angkapal ng mukha mo sabi ko kunwari ay galit
Biro lang hehe alam ko naman na nagagwapuhan ka sakin dahil BESTFRIEND mo ako sagot niya na nagpadurog ng puso ko
oo hehe bestfriend alanganin kong sagot
Nga pala hailey mamaya may ipapakilala ako sayo isang importanteng tao sa buhay ko pagkatapos ng klase ha? Sabi ni Luke
sige parang may kakaiba parang di ako masaya sa mangyayare mamaya
Mabilis na Lumipas ang Oras agad na natapos ang klase naglalakad na kami ngayon ni Luke palabas ng classroom ng tumigil siya bigla sa tapat ng isang babae ... kilala ko to ah Si Sandra Monteverde to kung di ako nagkakamali ..Matalino,Maganda at hinahangaan din to sa Paaralan na to kung di ako nagkakamali..
Haylie Gusto ko makilala mo si Sandra ang nobya ko Sambit ni Luke na Nagpadurog ng puso ko pakiramdam ko nawalan ako ng lakas at tila babagsak ako sa lupa agad akong napahawak kay luke
haylie ayos kalang ba? namumutla ka? alalang tanong ni luke
ayos lang ako di lang maganda ang pakiramdam ko Dahilan ko at ngumiti ng peke
Masaya ako na nakilala kita Sandra Mauuna nako Luke Sabi ko at agad na tumakbo..
Habang papalayo ako sa taong mahal ko unti unti naramdaman ang pagpatak ng luha ko...