Nasa 15th floor na kami ni Sir Theo at naglalakad papunta sa conference room.
"Good afternoon, Sir!" narinig kong bati ng mga taong nadadaanan namin. Pero hindi naman sila pinapansin ni Sir Theo. I was just behind him. Kasabay naman ng pagbati ng mga empleyado ay ang bulung-bulungan na nagsasabing, "Sino siya? Bagong secretary na naman ni Sir?"
Their stares at me were so sharp. Kahit tumingin man ako o hindi, alam kong sa 'kin nakatuon ang atensiyon nila. If stares could only kill, kanina pa siguro ako nasa heaven.
Hindi ko na lang sila pinansin. Baka 'yon pa ang magiging reason kung bakit 'di ako maka-focus ngayon. Nakasalalay pa man din dito ang full or official employment ko rito sa company sabi ni Miss Claudine. Tapos, hindi ko pa kaya na-try kahit isang beses lang ang gumawa ng minutes of meeting.
"Aw!" I muttered nang bumangga ako sa likuran ni Sir Theo. Mabilis pa kay Flash ang pag-ayos ko ng tindig bago siya makalingon sa 'kin. "Sorry, Sir," hinging-paumanhin ko. Wala akong makitang emosyon or reaction sa mukha niya. Naka-poker face lang siya pero anak ng kabayo! Ang pogi pa rin.
He continued walking again kaya sumunod na naman ako sa kanya. Ilang saglit lang, eh, bigla na naman siyang huminto na hindi ko agad namalayan kaya bumangga na naman ako sa likuran niya.
"S-sorry po ulit, Sir."
"Please, be careful, Miss Alice," he reminded when he faced me. Naku, Alice! Mukhang nagagalit na yata siya. Mukhang nagpipigil lang. "Bakit ka kasi nand'yan sa likuran ko? Ayaw mo ba sa tabi ko?"
Naku, Sir! Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong tumabi sa 'yo lagi. At kahit pa forever na, why not? 'Di ba?
"Miss Alice!"
Napakurap ako ng dalawang beses when he raised his voice an octave. Dahil siguro sa kadahilanang I was spacing out again.
I hemmed and apologized again, "Sorry po, Sir. Tatabi na po ako sa inyo."
He sighed heavily. "If you're daydreaming about me, mamaya na 'yan. 'Wag muna ngayon. I'll give you time na titigan ako mamaya sa office," puno ng kumpiyansang saad niya na ikinagulat ko.
Anak ng kabayo! Puwedeng pakipulot ng panga kong nalalag doon sa ground floor mula rito sa 14th floor? Ang hangin niya, ha!
Naiwan na pala ako sa labas. Nakapasok na siya sa loob kaya sumunod na ako. Mga bigating representatives ang nasa conference room. In-expect ko na 'to since nabasa ko naman na 'yong profile, background and other informations na related sa kanila.
Sir Theo greeted the representatives from THEPS Group. Ngumiti ako nang ipakilala niya ako sa kanila. Hindi nagtagal ay isinara na rin ang pinto upang simulan na ang mahalagang pagpupulong.
I was listening very carefully. Dapat keen to details talaga. First time ko pa man din sa ganitong bagay. I was taking down notes, recording the key points and making sure na lahat ng decisions and proposals ay na-record ko pati na rin 'yong tao or group na responsible para i-carry out ang mga 'yon. Ginawa ko ang makakaya ko. Pinigilan ko talaga ang sarili kong mag-space out at mag-daydream kay Sir Theo. Iwinaksi ko saglit ang kalandian ko dahil nakasalalay rito ang trabaho ko.
After almost two hours, natapos na rin ang meeting nila. Nakita kong binati ng dalawang representatives si Sir Theo.
"It's great doing business with you, Theodore!"
"Thank you, Sir! It's also our pleasure doing business with you!" masayang ganti ni Sir Theo.
Bigla namang may lumapit sa 'king lalaki at binati ako kaya hindi ko na rin napigilang gumanti. "I'm so happy to meet you all, Sir! I'm very sure THEPS is the one who can help us to have more high quality machineries in the future."
Ngumiti sa 'kin 'yong lalaki. Bigla namang nasa tabi ko na si Sir Theo at nagsalita siya agad. "Miss Alice, you can proceed to Miss Claudine's office now. Please, finish the minutes as soon as possible. I will need it later."
"Yes, Sir!" masiglang sabi ko.
After kong magpaalam sa kanila, I immediately headed to Miss Claudine's office sa 12th floor. Wala siya sa office niya. Pero bago ko pa masimulan 'yong gagawin ko, dumating din siya agad.
"So, kamusta?"
"Okay naman po," sagot ko. "Pero kinabahan ako kasi first time ko po sa ganito, eh." Nahihiya akong ngumiti.
"Okay lang 'yan. Masasanay ka rin. And I want to tell na hindi lang 'yan ang gawain ng isang secretary. Marami ka pang gagawin. Sa tingin ko naman, makakaya mo naman."
"Sana nga po."
"Basta't huwag ka lang gumaya sa mga naging sekretarya ni Theodore dati."
My forehead creased in confusion. Mukhang nahalata naman niya ang reaction ko kaya bahagya siyang natawa at naupo sa tapat ng office desk niya.
"Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Malalaman mo rin 'yon kapag nagsimula ka ng magtrabaho rito." She beamed.
Ngumiti na lang ako bilang sagot at sinimulan ko nang tapusin sa workstation niya ang minutes. Tama kaya itong ginagawa ko? Sana pala, pumayag na lang akong maging secretary ng organization namin noong third year college ako. Ang dami ko na sanang alam ngayon.
After kong i-print 'yong output ko sa printer sa tabi ng computer ni Miss Claudine, napadasal ako bago ko ito binigay sa kanya.
I was secretly biting my lower lip as she read it seriously. Nakakakaba pala talaga 'yong ganito.
Nakita ko siyang tumango saka lumingon sa 'kin. "Excellent! You did very well, Miss Alice!" she stated.
"Totoo po 'yan, ah? Baka gino-good time n'yo lang po ako," nakangisi kong tugon.
"I'm telling the truth, Miss Alice," giit pa niya.
"Thank you po!" I said cheerfully.
She stood up from her seat. "Ibibigay ko lang 'to sa kanya and we'll talk about your employment here in CFIL. Stay here for a while. Babalik ko."
"No problem, Miss Claudine."
Pagkalabas niya, I blew a deep sigh of relief as I sat on the couch. Good thing maayos naman pala ang resulta.
It took a few minutes bago nakabalik si Miss Claudine. At ang hatid niyang balita sa 'kin ang siyang nagpatili sa 'kin.
"Anak ng kabayo! Talaga po?!" nanlalaking mga matang bulalas ko.
"Yes, Miss Alice. By Monday, you can officially start working here. For the meantime, just finish your requirements. Ise-send ko ngayon sa e-mail mo ngayon."
"Thank you po talaga!" payuku-yukong saad ko.
Bumalik na ako sa desk ko sa 10th floor upang kunin 'yong gamit ko. Pagkapasok ko sa elevator para bumaba na sana pero nagulat ako nang mukha ni Sir Dexter ang bumungad sa tapat ko.
Aatras sana ako para i-check kung tama ba ang pinasukan ko pero hinila naman niya bigla ang kamay ko kaya hindi na ako nakalabas pa.
"Hello po," bati ko pagkasara ng elevator. Kaming dalawa lang 'yong nasa loob.
"Ikaw pala 'yong bagong secretary ni Theo?" tanong niya.
"Ah, opo, Sir." Nahihiya akong ngumiti.
"Huwag mo naman akong i-po. Parang ang tanda ko naman no'n," sabi niya at bahagyang natawa.
"Eh, kasi head po kayo, eh."
"Okay na 'yong may 'Sir'. Withdraw the 'po' when you speak to me."
Tumango na lang ako. "Sige, Sir."
"Much better." He beamed. Nang isang ngiti lang ang ginanti ko, eh, muli siyang nagsalita. "Buti naman at pinalitan mo na 'yong dating secretary ni Theo. 'Di ko kasi gusto ang babaeng 'yon. I think hindi lang naman ako."
"Balita ko nga rin, Sir, eh. At saka, siya naman daw 'yong nag-resign."
"Mabuti naman. 'Di na namin matiis ang ugali ni Ericka. At saka, sa tingin ko naman, hindi ka naman kagaya niya. Tama ba?"
Ngumisi naman ako. "Naku, Sir! Abangan n'yo na lang simula sa Lunes! Aarangkada na ako. Malalaman n'yo rin 'yong ugali ko."
Sabay kaming natawa.
"Okay, sige! Aabangan ko 'yan, ah!" sabi niya.
Sakto namang bumukas na 'yong elevator kaya lumabas na kami.
"Paano ba 'yan? Mauna na 'ko, Sir Dexter," paalam ko sa kanya.
"See you on Monday, Alice!"
NAKAUWI na rin ako sa bahay. Nadatnan ko si Nanay Felicia na naghuhugas ng pinggan sa kusina. Hindi man lang niya napansin ang pagdating ko kaya agad ko siyang tinungo.
"Ay! Kabayong nakatuwad!" bulalas niya sabay hawak sa dibdib niya nang bigla siyang mapalingon sa 'kin. "Ano ba, Alice! Ginulat mo naman ako!" sabay tampal sa balikat ko.
Ako naman ay natatawa pa rin dahil sa gulat niyang reaksiyon. "Grabe ka naman, Nay! Nakatuwad na kabayo talaga?"
"Kapag ako inatake sa puso, goodbye na talaga sa 'yo. Tignan ko lang kung kaya mong mabuhay nang wala ako," sermon niya sabay sara ng gripo.
"Nay naman! Ang exaggerated mo naman po. At saka, kailan ka pa naging magulatin?"
"Aba! Sino'ng hindi magugulat sa 'yo? Para kang multo."
"Magandang multo!" I wrinkled my nose.
"Oh, ano pala ang balita at hapon ka na nakauwi?" pag-iiba niya sa usapan habang nilalagay na sa dish cabinet 'yong mga nahugasan na niya.
"Nay, may trabaho na 'ko!" masayang sambit ko sa kanya.
"Talaga? Naku, anak! Sa wakas ay kinaawaan ka rin ng Diyos!" Yumakap siya sa 'kin kaya napayakap na rin ako. "Masaya ako't natanggap ka na sa trabaho."
"Alam mo po ba kung saan na ako magwo-work?" I grinned cheerfully.
Bumaklas kami sa isa't isa saka siya nagtanong. "Saan? At ano namang trabaho iyan?"
"Nay, secretary na po ako ni Sir Theo, my loves!" tumitiling sabi ko sabay dama ng kilig.
Nanay gasped. "Diyos ko, anak! Totoo ba 'yan? Paano nangyari?" hindi makapaniwalang sambit niya.
Kinuwento ko naman sa kanya lahat hanggang natapos na rin siya sa ginagawa niya.
"Naku, Alice, ha! Baka mamaya masibak ka niyan. Sinasabi ko sa 'yo," paalala niya sa 'kin.
"Nanay naman! Ang dumi mo po mag-isip. Hindi ko naman po basta-bastang isusuko ang Bataan, 'no!" angil ko sa kanya. "Aray naman!" daing ko nang hampasin na naman niya ako sa balikat.
"Naku, ikaw bata ka! Ang dumi-dumi mo mag-isip! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay baka masibak ka sa trabaho mo dahil sa pagnanasa mo kay Sir Theo mo. Hindi 'yong masibak iyang kweba mong may sapot na riyan sa ibaba. Susmaryusep na babaitang ito!" naiiling na paliwanag niya sabay punta sa salas ng bahay namin.
"Nay!" Pinamulahan naman ako ng pisngi sa narinig ko. Ganoon na ba talaga kadumi ang isip ko? Anak ng kabayo! Nahahawa na yata ako kay Louisse, eh!
Bigla namang nag-vibrate 'yong phone ko kaya kinuha ko agad sa bag. Speaking of my bruhang kaibigan, heto na siya't tumatawag sa akin.
"Hel—"
"Siszt! Oh, my god!" biglang tili ang narinig ko sa kabilang linya kaya nailayo ko nang bahagya 'yong phone sa tainga. Napangiwi pa 'ko. Bruhang 'to! Hindi man lang ako pinatapos. Pero ramdam kong nagpipigil siya ng boses. Nasa restroom siguro 'to.
"What now?" I asked nang ilapat kong muli ang phone sa tainga ko at napasandal sa counter ng lababo.
"Alam mo bang hinahanap ka ni Sir Theo ngayon lang?"
"What?!" bulalas ko.
"Kinikilig ako, siszt! Hinahanap ka ni Sir Theo! Yiiee!"
Napapamaywang naman ako habang hawak ng isang kamay ko ang phone kong nakatapat sa tainga ko.
"Niloloko mo lang ako, siszt. Ba't naman niya ako hinahanap? Eh, sa Monday pa raw 'yong start ng trabaho ko sabi ni Miss Claudine kanina."
"Ewan. Hindi ko alam. Kaya nga kita tinawagan saglit para ipaalam sa 'yo dahil baka nakauwi ka na. Napadaan kasi ako roon sa station mo at saktong kakababa lang niya galing do'n sa taas at bigla akong tinanong kung nasa'n ka raw. Alice daw, eh."
Napakunot-noo naman ako. "Bakit kaya? Hindi mo ba tinanong?"
"After kong sumagot na hindi ko alam, pumasok agad sa office niya, eh. Pero feeling ko talaga may gagawin kayong milagro sa loob kaya ka niya hinahanap." At tumili ulit ang bruha.
"Milagro ka riyan!" singhal ko sa kanya.
"Alam mo na 'yon, siszt! 'Yong jugjug-ah-ah." She then burst into laughter.
I rolled my eyes kahit hindi niya ako nakikita. "Bumalik ka na nga sa trabaho mo. Kung anu-anong kahalayan 'yang sinasabi mo, eh."
"Bye, siszt!" paalam niya habang tumatawa pa rin.
Napasapo ako sa noo. Baliw talaga si Louisse. Hindi ko alam kung pa'no ko naging kaibigan 'to. Pumasok na lang ako sa silid ko at binagsak ang katawan ko sa kama. Bakit kaya ako hinahanap ni Sir Theo? Pagpikit ko, bigla namang may sumulpot sa isip ko.
If you're daydreaming about me, mamaya na 'yan. 'Wag muna ngayon. I'll give you time na titigan ako mamaya sa office.
Anak ng kabayo! Uminit ang pisngi ko dahil do'n. I'm sure sinasabi niya lang 'yon para mabalik 'yong senses ko kanina.
"Ang hangin mo, Sir Theo. Pero gusto pa rin kita." Napangiti ako.