Chapter 8

2035 Words
"Hanggang ngayon wala pa ring lead ang mga pulis sa kasong pagdukot kay Gwenever Cheng." Ani Bryant, saka ginulo nito ang sariling buhok. "Narinig mo na ba ang lalaking tinatawag nila na Berdugo?" tanong ni Edrian kay Bryant. Si Bryant Quirino ang team leader sa grupo nila ni Edrian, tinatawag din nila ito na Alpha Boss. If anyone had intel on Berdugo, it should be him. Natigilan naman saglit si Bryant. "Berdugo?” putragis, bagay nga sa gagong iyon ang bansag nito." Disgust thickened his voice. "Mga dalagang socialite kasi ang dinudukot ng mga ito para ipa-ransom nila ito, at kung hindi man aabot sa takdang oras ang hinihingi nilang ransom ay walang pag-aalinlangang papatayin nila ang mga babaeng dinukot nila. Para lang yatang hobby ng mga ito ang pumatay." Iyan nga ang dapat marinig ni Edrian sa mga oras na iyon. Pumasok muna sila ni Bryant sa kwarto dahil may mahalagang pag-uusapan pa sila na hindi kailangang marinig ni Cassandra. Pansamantalang iniwan muna nila ang dalaga sa sala kasama si Taylor. "Sa tingin ko isa na namang hostage rescue ang kasalukuyan nating misyon," pakli ni Edrian kay Bryant. Good thing dahil specialized nila ang larangan na 'yan. Kahit paman no'ng hindi pa siya naging myembro ng BEO, ilang beses na siyang nasabak sa ganyang uri ng misyon. He'd slipped in and out of more hellholes than he could count, rescuing folks that others had given up for dead. Hindi na muling nagsalita pa si Bryant. Napatitig naman si Edrian dito. "Hindi 'to kayang e-handle ng mga lokal na awtoridad. But we can." Heading in and out of the dangerous spots that most would never dream of entering and saving those who couldn't be saved was their area of expertise. Tumunog bigla ang cellphone ni Edrian nang akmang magsasalita na sana si Bryant. He glanced down, realizing the time. 0600. Lagot na, palaging maaga pa namang dumating si sir Marcio sa tuwing meron silang napagkasunduan na oras. Kaya agad niyang sinagot ang tawag nito. "Hello sir?" "Nasa tabi mo ba si Cassandra?" Matigas nitong wika. "Hindi po, sir," ani Edrian. "Si Bryant po ang katabi ko ngayon." Sa tingin niya baka isali rin nito sa briefing ang dalaga. "Put me on a speaker." Tumalima agad siya rito. "Alam kong dinukot si Gwenever Cheng isang oras na ang makalipas," anunsyo pa ni sir Marcio. "But tell me," pagpatuloy nito, "alam na ba ni Cassandra ang nangyaring pagdukot sa kaibigan nito?" An odd thing to say. "Alam na po ito ni Cassandra." Napamura bigla si sir Marcio. "She is not to go after Gwenever, understand?" "Pero bilang isa pong BEO agent, magagawa naman niyang--" panimula pa ni Bryant. "Hindi isang BEO agent si Cassandra. Isa siyang asset natin." Isang asset? So kung asset siya ng BEO, nangangahulugan na ito rin ang kasalukuyan nilang intel sa kaso. Bryant stepped closer as he frowned down at Edrian's phone. "What about Gwenever Cheng? Naniniwala po kasi si Edrian na ang taong tinatawag na Berdugo ang may kagagawan no'n, at sang-ayon po ako kay Edrian. Gwenever's a*******n sure seems to fit the victim profile developed for that killer." "Si Edrian na lamang ang magpaliwag kay Cassandra tungkol sa kaibigan nito." Napansin niya na biglang lumambot ang boses ng kanilang boss. "Pagka-ingatan mo siya, Edrian. Before you know it, Cassandra will have manipulated you into doing anything that she wants. Nakita kong nangyari na 'yan dati, sa mga former bodyguards nito. Umaasa akong naiiba ka nga sa kanila, Edrian." Those words caused tension to harden Edrian's muscles. Pero alam naman niya kahit no'ng una pa na manipulator talaga ang babaeng 'yon. Pero nungkang magpapadala siya sa mga antics nito para lang matakasan siya nito. Lalo na sa mga pang-aakit nito sa kanya para mahulog siya sa bitag nito, at magawa ang gusto nitong gawin. "Ihatid niyo muna si Cassandra sa airport bago kayo pumunta rito sa headquarters, ngayon na." Balik sa walang emosyong saad nito. "Maliwanag ba 'yan sayo, Edrian? Ako na ang bahalang magpapadala sa ibang team para hanapin nila ang Berdugo na 'yan." "Pero nakahanda na po kami para hanapin 'yang tao na 'yan, sir." Sabad pa ni Bryant. "Even if Edrian leaves with the girl, Taylor and I can do recon work. Kaya po naming hanapin ang walang kwentang Berdugo na 'yan. At kaya po naming iligtas si Gwenever Cheng." "Ang gusto ko na nasa likuran lang kayo ni Edrian," mabilis na pahayag ni sir Marcio. "Gusto kong bantayan niyo sila habang papunta sila sa airport. Alam ko kasing naghihintay lang ang mga tarantadong iyon ng pagkakataon para makuha nila si Cassandra. Her safety is the top priority. Papupuntahin ko kasi siya sa States para sa kaligtasan nito. Once I know she's safe, then I'll make sure na may pagkalalagyan talaga ang Berdugo na 'yan." Hindi naman nagustohan ni Edrian ang plano ng kanilang boss. Not when a woman's life was at risk. "Hindi pa nga natin alam sir, kung ilan na lang ang nalalabing oras ni Gwenever Cheng sa mga kamay ng kidnapper," Edrian snapped, unable to hold back his anger. Hindi niya kasi maatim na may isang babaeng nangangailangan agad ng tulong nila, pero 'yong ligtas na babae ang gustong e top priority nito. Hindi maari ang sinasabi nito. Hindi siya ganyan kung magtrabaho, dahil hindi bias ang pagkatao niya. "Handa na po kaming iligtas si Gwenever Cheng, sir, hindi namin pwedeng--" "May ibang team na nga akong inatasan para mahanap agad ang Berdugo na 'yon, at para mailigtas si Gwenever Cheng." Sabi ni sir Marcio sa matigas na boses. "Napag-alaman ko rin kasi na aalis din sa bansa si Berdugo." All the more reason for them to hunt him, then. "Dalhin niyo na si Cassandra sa airport, Edrian. That's an order." Matigas na mando nito. "Si Cassandra ang misyon niyo ngayon. Kaya umalis na kayo riyan, ngayon na. Stay with her, hanggang sa makalipad siya papuntang Amerika.” Mukhang iyan lang naman yata ang laman ng briefing nila. Na ipagpapatuloy nila ang pagbabantay sa dalaga, at si Gwenever Cheng - magiging second priority lamang ito. He ended the call and fought to calm the fury that was growing in him. Hindi siya pumasok sa pagiging BEO agent para tumunganga lang habang alam niya na merong isang babaeng nangangailangan ng agarang tulong. "Edrian...narinig mo naman ang sinabi ni sir Marcio." Nag-aalalang pinag-aralan siya ni Bryant. Oo, malinaw nga niyang narinig ang sinabi ng kanilang boss. Jaw locking, Edrian gritted his teeth. "Pabayaan na lang ba natin si Gwenever Cheng?" Alam niyang ayaw din 'yon mangyari ni Cassandra. "Pero sumunod lang tayo sa order." Ani Bryant. Oo nga. Iyan ang sukatan ng isang mabuting sundalo. Kaya lang...wala na sila sa military. Bigla namang may nabuong plano sa utak niya. Kung si Cassandra nga ang prayoridad nilang protektahan, baka may namamagitan sa kanila ni sir Marcio? Baka ang dalaga ang itinatagong karelasyon ng kanilang boss. Hmm..pwede. A grim smile pulled at his lips. What if kaya babaliktarin niya ang sitwasyon? That way, she didn't even have to seduce him in order to get what she wants. Huh. Nakakaawa naman ang mga ganyang klase. ----- When Edrian came out of the back room he had a backpack thrown over his shoulder. Alam naman ni Cassie na puro armas lang ang laman ng backpack ng lalaki. She jumped to her feet. "Nagkausap na kayo ni Marcio Mercader?" Baka ibinalita na rito ni dad ang pagdukot ni Gwenever. Diyos ko! Nangyari ulit 'to sa isa na namang matalik niya na kaibigan. Kailangan talaga niyang matulungan ito kahit ano paman ang mangyari. Bahagyang napatango sa kanya si Edrian. "Mukhang nangangailangan si sir Marcio ng escort mo para sa pagpunta mo sa U.S." "No." "Yes." Hindi siya maaring pumunta sa States. Hindi siya makakapayag do'n. "Hindi ako pwedeng umalis! Kailangan pa nating tulungan si Gwenever!" "Hindi pa raw kasi ibinigay ng pamilya niya ang ransom," sabi ni Bryant. Panandalian niyang nakita ang kalungkutan sa mga mata nito, pero agad din nitong binawi. "Paano mo nalaman na hindi pa nga kumontak ang pamilya ni Gwenever sa mga kidnapper?" balik niyang tanong kay Bryant, desperada na talaga siya na mahanap ang matalik na kaibigan. "Alam 'yan ng BEO. Pinaniniguro naman ni sir Marcio na mino-monitor niya ang sitwasyon." "Sa palagay ko hindi, dahil mukhang sa akin lang naman siya nakatuon." Mapait na pahayag niya. "Dahil ba isa kang asset?" tanong ni Edrian at humahakbang ito papalapit sa kanya. Napapitlag si Cassie. "Iyan ba ang sinabi niya sa inyo?" It figured that her dad had pulled the old asset card. Ginawa na kasi ito ng kanyang dad dati. Kaya natuto na siya. May mga leksyon kasi na maaga mong natutunan, at 'yon ang hindi mo malilimutan. "Sabi ni sir Marcio--" Si Bryant ulit ang nagsasalita. "--ikaw raw ang pinakamahalagang asset na kailangan naming protektahan, lalo na't pa e-eskortan ka raw namin sa pagpunta mo sa Amerika. Asap." Hindi 'to dapat mangyari. Susuwayin niya ulit ang ama sa pagkakataong ito. "You're all going to escort me away while Gwenever going to die? Ganyan ba ang gusto nitong mangyari?" Kung hindi man siya matutulungan ng mga ito, siya na mismo ang tumulong kay Gwenever kahit ibuwis pa niya ang kanyang buhay. "Look, those guys - the Berdugo men - ako talaga ang gusto nilang makuha. Pumunta sila do'n sa dinaluhan kong party dahil alam nila na naroon ako at unguarded dahil sa rami ng panauhin doon." "Mukhang ang gusto ng mga ito na patayin ka, hindi ang dukutin ka. Patunay 'yong bumaril sa'tin kanina." Sabi ni Edrian, at humigpit ang pagkakahawak nito sa strap ng backpack nito. The guy was missing the obvious. She gave a little growl of her own as she tried to explain what he should know. "Ikaw 'yong gustong patayin nila, cowboy, hindi ako. Eh ako nga ang nagligtas sayo sa pamamaril na iyon." At hanggang ngayon hindi man lang siya nakatanggap ng pasasalamat mula sa damuhong lalaki. Bryant slanted an amused glance at Edrian's way. "Cowboy?" Inignora lamang niya ang tila mapanudyong tinig ng lalaki at nagpokus lamang siya kay Edrian. "Niligtas kita sa tagpong iyon, kaya ngayon may utang ka na sa'kin. Tulungan mo akong mahanap si Gwenever - or at least, just give me my own fighting chance to save her." Or di kaya get lost, para wala ng balakid pa sa paghahanap ko sa aking kaibigan. Pero mukhang walang sinyales na papayagan nga siya nito sa gusto niyang mangyari. "I have my orders." Sagot naman ng lalaki. Laglag ang balikat niya. Wala ngang pinag-iba si Edrian sa mga dati niyang bodyguards. Isa rin kasi ito sa mga robot ng daddy niya na sumusunod sa lahat ng mando nito. Kahit nangangahulugan pa na merong isang inosenteng babae na mamamatay. Ngunit hindi ganon ang katangian ni Cassie. Dahil hindi siya isang robot at wala rin siyang pakialam kung magalit man sa kanya ang ama. After all, alam niyang hindi naman kaya ng isang ama na saktan ang kanyang anak, di ba? Kaya nga never talaga siya na magpapakontrol dito. Never. Been there, done that. Over and over again. Pwes, kung hindi talaga siya matutulungan ni Edrian at sa mga kasamahan nito. So it was up to her to get the job done. Marahil ay ina-underestimate lang siya ng mga ito..sige lang...maghihintay na lamang siya sa tamang tiyempo. Cassie let her shoulders sag a little more as if she truly were defeated. "So kailan daw tayo aalis?" Malumanay na wika niya na may halong lungkot sa boses niya. Hindi siya dapat magpahalata sa mga ito sa pinaplano niya. "Ngayon na." Sagot ni Edrian. "What? As in ngayon na talaga?" "Yes, pupunta na tayo sa airport ngayon," ma awtoridad na pahayag nito. Naiinis naman siya sa inakto ng lalaki na tila siya naman itong minamanduan. Her thoughts raced. "I don't have my passport and VISA here. Nasa bahay kasi ang mga iyon." Dahil alam niya na pati na rin bahay niya ay pinamanmanan na rin ng mga tauhan ni Berdugo. Kailangang maging visible siya sa mga mata ng mga ito. Nang sa ganon tuluyan na siyang makuha ng mga ito, at para makita na rin niya kung ano na ngayon ang kalagayan ni Gwenever. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD