Chapter 6

2050 Words
Bumaon sa braso ni Cassandra ang isang bubog ng salamin. Maingat naman niya itong tinanggal mula sa kanyang balat. Napangiwi pa nga siya sa sakit nang tanggalin niya ito.   "Ano 'yang ginagawa mo?" She didn't look up at Edrian's growl. The guy often seemed to be growling. Subalit thankful pa rin siya rito dahil kung wala pa ito, malamang hindi lang iyon ang aabutin niya.   Medyo bumilib nga siya ng konti sa lalaki dahil napaandar nito ang kotse kahit walang susi kaya natakasan nila 'yong shooter. Isa kasi 'yan sa trick na gustong-gusto niya matutunan, ang mag hot-wiring ng isang kotse. Maybe she could convince him to teach her how to do it. Once they were not being chased by the gunman.   "I'm trying to stop the blood flow. That's what I'm doing." Sagot niya rito.   They were in some rundown house on the edge of town. Mukhang abandonado yata ang bahay na pinagdalhan sa kanya ni Edrian. Pero sabi nito na isa raw itong safe house.   She wasn't exactly feeling safe. And with 0600 hours ticking closer and closer, she was running out of time in a hurry.   Hinawakan naman ni Edrian ang braso niya at inangat ito para malinaw nitong makikita ang sugat niya. When his face tensed, she realized things were worse than she'd realized. "Kailangang matahi 'yang sugat mo."   My goodness! Definitely worse. "Pero huminto na 'yong pag-agos ng dugo." Ang totoo, hindi pa.   "Hayan ka na naman," anito, tila distracted ito habang bahagya itong yumuko para pag-aralan ang sugat niya. "Alam mo ba na sa tuwing magsisinungaling ka, it's a dead giveaway."   Letsugas. Nakulangan lang talaga siya sa pag-iingat. Iyon lang naman. Pero ang lalaking ito, napaka-overacting. "Hindi na kailangang tahiin pa itong sugat ko." Okay, maybe she did. Pero mukhang malayo naman ito sa bituka. "Wala kasi akong oras para pumunta ro'n sa hospital."   "Okay, forget the hospital. Ako na lang ang gagawa niyan para sayo."   Naloko na. Mas hindi 'yan kaaya-aya na ideya. Nagbibiro lang yata ito, di ba? She studied his face, met his stare. Mukhang hindi nga ito nagbibiro.   Mariin namang napapailing si Cassie sa kanyang ulo. "Do you even know how many infections I could get from you doing that? Ayoko ko nga...as in No Way!"   "Pero malalim 'yang sugat mo, at kailangan talaga 'yang matahi. I've got the supplies we need right here."   Aba, Boy Scout lang ang peg. Ngunit hindi pa rin siya na impressed dito.   "Look, if it makes you feel better, gusto kong malaman mo na tinahi ko ang sarili kong sugat kanina bago ako pumunta ro'n sa hotel room mo."   "You...you were hurt?" She hadn't even noticed that. Tila malakas kasi ito nang buhatin siya nito palayo sa ballroom.   "Kaya nga kailangang matahi 'yang sugat mo para hindi magka-impeksyon." Giit nito.   She tried to keep her jaw from dropping. "You get shot a lot, don't you?"   "Iyan ang iniiwasan ko."   Hindi 'yan ang sagot na gusto niyang marinig.   "Come on. Kailangan muna nating malinis 'yang sugat mo."   He meant stiched up, and though the thought made her queasy, Cassie sucked in a deep breath and squared her shoulders. It had to be done. So she'd do it.   Hanggang sa iginiya siya nito sa isang banyo. Hinugasan muna niya ng sabon ang sugat niya. And yes, may medical supplies nga ang lalaki sa loob ng isang maliit na kwarto. Nagsuot muna ito ng gwantis bago nito isinagawa ang pagtatahi sa sugat niya.   Wag ka na lang tumingin, Cassie.   "Masakit 'tong gagawin ko," he warned her. A second's warning before he started.   Ipinilig niya ang ulo at kinagat niya ang pang-ibabang labi nang simulan ng iturok ni Edrian ang karayom sa balat niya. Nakita niya na kasi ang senaryong ito tulad sa nangyari sa kanyang ama noon. Nang mabaril ito dati sa braso nito, ito mismo ang nagtanggal sa sariling bala na bumaon sa braso nito. Gaya na lang sa ginawa ni Edrian na ito rin mismo ang nagtahi sa sariling sugat nito.   Nakaramdam na nga siya ng matinding kirot sa mga oras na iyon. She could feel every poke of that needle. Kung may anesthesia lang sana itong nilagay para naman maibsan ang sakit na nadarama niya.   Napapikit na lamang siya ng mga mata sa matinding kirot. Ngunit hindi siya dapat magpa-apekto, wala kasi 'yon kumpara sa naranasan ng kanyang ama. Kaya dapat tularan niya ang ama sa katapangan nito at--   "Tapos na." Wika ng lalaki.   Her breath rushed out. Whoa! Nagawa niya. Nalampasan nga niya ang kanyang takot.   Edrian finished cleaning up. Saka linagyan na nito ng bendahe ang sugat niya. His fingers seemed to linger against her skin.   Napatitig naman siya sa mukha ng lalaki ng ilang minuto. His jaw locked. Saka nakita niyang hinubad na nito ang suot na gwantis. Inangat nito ang kamay sa pisngi niya at pinahid ang mga luha niya.   She hadn't even realized that she'd been crying. Napaiyak kaya siya dahil sa sakit? O napaiyak siya nang maalala niya ang pinagdaanan ng ama?   Ilang beses na kasi niyang nakita na nasaksak at nabaril ang kanyang ama. May pagkakataon nga na muntik nang ikamatay nito ang natamong sugat dahil sa impeksyon. Mabuti na lang talaga at naagapan iyon at nagamot ng mga doktor. Pero minsan nga naisip niya na mala-pusa ang buhay ng kanyang ama. Because it would take a whole lot to kill Marcio Mercader.   "Hindi ka isang BEO agent," sabi ni Edrian na tila siguradong-sigurado talaga ito sa sinabi.   Her chin jerked up at that. "Wag kang makasisiguro. Because I did a good enough job of saving you back there, hindi ba?" He would have taken a bullet to the back if it hadn't been for her. Patas lang naman ang ginawa nitong pagtahi sa kanyang sugat. Kaya wala silang utang na loob sa isa't isa. Kahit ano pa ang sabihin nito.   Napatitig naman sa kanya si Edrian. "Paano mo ba nalaman kung saan naroon ang shooter?"   "I just saw the glint of his weapon." Agad niyang sagot dito.   He stepped away from her - or as far away as the small space would allow. "Gusto kong malaman ang kwento mo."   Goodness! Wala siya sa mood na magkwento rito. Kaya kinailangan niyang e-distract ito para mailihis niya ang topic nila. "Pinadala ka lang ba ni Marcio Mercader dito na hindi man lang sinasabi nito kung ano talaga ang gagawin mo? I mean, sunod ka lang ba ng sunod sa mando niya na hindi mo kinukwestyon ang ipinapagawa niya sayo?"   Hindi agad nakapagsalita ang lalaki sa tanong niya. But after a considering moment, he gave a nod and said, "Okay, sasabihin ko sayo kung ano talaga ang misyon na ipinapagawa niya sa'kin."   Uh-oh. Mukhang hindi niya nagugustohan ang tono ng pananalita nito.   "Ang sabi niya sa'kin na pumunta raw ako rito sa Parañaque at hanapin dito ang isang party girl na nagngangalang Cassandra San Sebastian."   Tinawag ba siya nito na party girl? Well, tama nga ito, iyan naman talaga ang naging imahe niya. Pero ang totoo, pabalat lang naman niya ang imahe na 'yan.   "I was directed to follow her every move. To stick to her, at siguraduhin na ligtas siya sa lahat ng oras."   Napataas siya ng isang kilay sa sinabi nito. Kumirot pa rin naman ang sugat niya, pero minabuti niyang ignorahin na lamang ito. "Iyon lang ba? Iyon lang ba ang sinabi niya sayo?" Hay, naku! Ba't ba ang paranoid ni dad pagdating sa'kin? Eh hindi na ako bata na kailangan pang bantayan.   "Oo, 'yan lang naman ang sinabi niya sa'kin. Sige na magkwento ka na, meron na lang akong natitirang forty-five minutes bago ako bumalik sa headquarters namin."   Kung magkukwento siya, sa tingin niya hindi 'yan magiging sapat na oras. She'd have to talk fast. Mabuti na lang at fast talker talaga siya ever since.   Cassandra exhaled slowly and began with the truth. "Four years ago, dinukot 'yong bestfriend ko sa labas ng isang bar." Apat na taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa isip niya ang nangyaring pagdukot. At 'yong takot hindi pa rin basta-bastang naglaho. "Sabi no'ng mga lalaking dumukot dito na ipapatubos daw nila ang bestfriend ko sa halagang tatlong milyon. Sinunod naman iyon ng mga magulang ni Herlene, ngunit sa kasamaang-palad, hindi na nakauwi pa sa kanilang bahay ang kaibigan ko."   Wala na kasi itong buhay nang matagpuan ito ng mga awtoridad.   Hindi madaling tanggapin ang pagkamatay ni Herlene. No one should die that way.   "Since then, over a dozen of other women na mayayaman at maimpluwensyang pamilya na kagaya kay Herlene - iyon ang mga dinudukot ng mga kidnapper. Minsan...minsan nga maibalik ang mga ito sa pamilya nila na grabe na ang pagka trauma ng mga ito, pero ang matindi ay pinapatay ng mga kidnapper ang kadalasang dinudukot nila na mga dalaga."   Pakiramdam tuloy niya sa mga sandaling iyon na nagkukwento siya kay Edrian na binuksan niya ulit ang isang sugat na naghilom na. "Iyong leader ng kidnap for ransom group ay tinatawag nilang Berdugo."   Nag-abot ang makakapal na kilay ni Edrian.   "Iyan kasi ang tawag ng kidnapper sa sarili niya nang makausap niya ang daddy ni Herlene para humingi ng ransom dito. Sabi pa nga no'ng kidnapper na kapag hindi raw nila matanggap 'yong pera sa takdang oras ay papatayin nila ang kaibigan ko."   At walang-awa nga nilang pinaslang ang kaibigan niya.   Bigla namang dumilim ang aura ni Edrian. "Iyon ba 'yong mga armadong lalaki sa party?"   "Sa tingin ko mga tauhan lang sila sa tinatawag nilang Berdugo." At malamang siya na sana dapat ang target ng mga ito.   "So ibig mong sabihin na ginawa mo ang sarili mo bilang isang pain?" anito sa matigas na boses.   She had to. Wala na kasing ibang paraan para mahuli ang mga kidnapper. "Kailangang mapigilan sila!"   Napapailing ito. "Ang BEO--"   "Ako ang nagsabi sa BEO tungkol sa kaso na 'yan! Sinabi ko na ang lahat ng iyan kay Marcio Mercader." Dahil desperada na talaga siya na malutas na ang kaso ng pandudukot sa mga mayayamang kababaihan.   "Ah, kaya pala magkakilala na kayo ni sir Marcio."   "May koneksyon din kasi ang pamilya ko." Gaya na lang sa mga babaeng nadudukot. "Isang German ambassador ang lolo ko. At isang French diplomat naman ang ama ni Herlene. Kaya ang mga katulad namin ang tipong dukutin sa tinatawag na Berdugo.”   "Kung ganon, isa ka nga sa target nila." There was fury darkening his words.   "Yes." It made her the perfect bait. Isang international killer si Berdugo, at dahil sa iba't ibang bansa siya pumupunta kaya nahihirapan ang mga awtoridad na e track ito.   The faint lines on Edrian's face had tightened. "Pumayag ba si sir Marcio na gawin mong pain ang sarili mo?"   Not exactly. Kaya nga pinababantayan siya ng ama sa mga agents nito. Only this time, hindi alam ng daddy niya na malapit na nga niyang mailagay sa kanyang bitag si Berdugo. "Ngayon na nakuha ko na ang atensyon ni Berdugo, hindi na ako pwedeng umatras pa sa pinaplano ko. Tsansa ko na 'to na mapadakip siya."   But Edrian's voice roughened even more as he demanded, "Tsansa ba ang tawag mo niyan? Bakit gusto mo bang maging katulad sa kaibigan mo na hindi na nakauwi sa kanilang pamamahay?"   Grabe naman kung makapagsalita 'to. Ngunit alam niyang tinatakot lang siya nito. She'd been dealing with fear too long to let it stop her. "Tsansa ko na 'to na mapigilan siya at ang mga tauhan niya, bago paman may ibang buhay na naman silang kikitilin. If I can get to Berdugo, if I can bring him down..."   "Sa tingin mo ba magagawa mo 'yan na nag-iisa ka lang?"   Nanlaki ang mga mata niya. Bumilis bigla ang t***k ng puso niya. "May isang BEO agent naman ako na palaging kasama eh. Baka naman gusto mong gawing kapaki-pakinabang ang sarili mo kaysa maging human shield ko."   A muscle jerked along the square line of his jaw. "I mean, what are you? Sa pagkakaalam ko kasi puro ex-army, o di kaya mga ex-NBI agents ang mga kinukuha ng Black Elite Ops, tama ba ako? Ni hindi nga kita mapansin kung gumagalaw ka, your reflexes are the best of any agent I've seen." Naalala kasi niya ang mabilis na pagbunot nito ng baril do'n sa ballroom. "I'm thinking you're--"   "Scout ranger. Isa akong ex-Scout ranger."   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD