MADELIN Nauna na kaming umalis ni Lannion sa unit ni Luicke. Nag-usap lang sila saglit. Narinig ko pa ang tila yamot at inis na boses ni Lannion. "Puwede ba, 'di mo na kailangang ipaalala sa akin 'yan. Akala mo naman gagawan ko siya ng masama, may taste ako, Luicke. 'Di ako katulad mo," aniyang puno ng pang-uuyam. Parang sinilaban ng galit ang dibdib ko. Sana derekta na lamang niyang sinabi sa akin ang pang-iinsulto niya, pero bakit kailangan kay Luicke pa? Ginawa ko lahat para itago ang aking emosyon sa sinabi niyang iyon. Tahimik lamang ako habang nakasunod sa kaniya. Kahit nga sa elevator na puro salamin ang nagsisilbing dingding ay 'di ako nagtangkang sulyapan siya. Mas okay na itong ganito. Iisipin ko na lang na wala akong kasama. Nang makarating kami sa parking ay agad

