MADELIN Hindi niya hiniwalay ang sarili sa akin hanggang makarating kami sa room kung saan ang unang subject ko. Pasimple akong kumilos para tanggalin ang braso niya mula sa pagkakaakbay sa akin ngunit 'di siya pumayag. Halo-halong pakiramdam din ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Naroon iyong pakiramdam na nae-excite ako na masaya. Dahil aminin ko man o, hindi, 'di ko maiwasan ang kiligin sa pinapakitang ka-sweet-an ngayon ni Lannion. Parang isang panaginip na nagkatotoo para sa akin. Sa kabilang banda naman, nahihiya rin ako dahil alam kong 'di naman kami bagay. Nag-aalala ako para sa kaniya. Na baka ngayon e, pinagtatawanan na siya habang nakatalikod, nang dahil lamang sa akin. At higit sa lahat, nakakaramdam din ako ng matinding kaba. Ang kabang tila ayaw lubayan a

